Chapter 1

7 0 0
                                    

" Tumayo ka na dyan anak, Tanghali na. Unang araw mo sa klase kaya dapat hindi ka ma-late". Pilit akong pinapabangon ng mama ko sa pagkakahiga, but I just can't.

"Mama, pwede po ba na wag na ko pumasok? First day naman po eh so I'm sure puro formalities lang ang mangyayari, please!" nakadapang sagot ko sa pinakamamahal kong ina.

"Ako ba talaga eh ginagago mong bata ka?! Tatayo ka ba dyan o gusto mo munang mabugbog?! Ano sumagot ka ?!". My gasss! Nabingi ata ako sa lakas ng pagkakasigaw sakin ng nanay ko.

Gising na gising na talaga ang diwa ko. Nagtatakbo na ko sa loob ng banyo ko sa kwarto bago pa ko mabugahan ng apoy.



"Tatayo ka rin pala eh, gusto mo pa ng bugbugan muna. Tss." Narinig kong bulong ng napakabait kong mama bago nya isinara ang pinto ng kwarto ko.

" Aish! Bakit naman kasi sobrang aga ng pasok sa school na yon?! Punyetang school yan ang sarap bombahin!" literal na sinasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang frustration dahil sa pagkabitin ng tulog ko.Ayaw na ayaw ko pa naman na bitin ang tulog ko.



Oo, you read it right. Hindi ako kabilang sa masisipag na students na excited lagi pumasok at masisipag mag-aral. Ako yung tamad sa school, yung tinatawag na palitaw o pala-absent, pumapasok lang ako kapag may quiz at exams na. Hahahah. feeling proud pa ko nyan.

Hep hep hep! I'm not that bad ass girl who loves to go in a club, smoking and drinking alcohols! I just love to break some rules but not to the point na ma su-suspend na ko. Ayaw ko naming mapatawag ang mama ko sa school no. No fucking way. And yeah, I'm a trash talker too.

Anong ginagawa ko kapag absent ako?. Hmm. It's either I'm sleeping , or I'm in my room reading novels, manga or watching some movies and anime. I never have experience the feeling of being in love. It's not like we're obliged to fall in love right away right?.

"Bumaba ka na dyan at mag agahan!" sigaw ng mama ko mula sa baba. Buti pa makapag ready na nga sa pag pasok sa school ! it's my first day, and I'm already in my 3rd year! Hurray! Tss.

Pagkatapos kong makapag ready para sa pagpasok sa school at pakinggan ang mahabang litanya ng mama ko na wag daw akong pasaway at kung anu-ano pa! huling pagkakataon ko na daw to! Oo tama ulit kayo ng pagkakabasa pangatlong school ko na to, at ito na daw ang huli or else mag asawa na lang daw ako ng mayaman. I never considered that as an option though.

"O sya mag-iingat ka ha? Baon mo." Inabot sakin ni mama ang 100pesos na baon ko. Sapat na ang halaga na yon para maka survived ako sa maghapon, isang sakay lang naman sa jeep ang school na papasukan ko at pwede nang lakarin.

" Thanks ma," nagmano ako bago umalis. Pero napahinto ako sa paglalakad at bumalik sa pwesto ni mama.

"Oh bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" tanong nya ng may pag-aalala.

"hehe hindi po, wala ka bang barya sa 100 ma? Hindi ko pwede ibayad sa jeep to ng buo! At maraming mangloloko ngayon! Bigyan nyo po ako ng barya." Nakangiting sabi ko sa mama ko.

"akala ko naman kung anong problema! Tss! Oh! Magtipid ka ha?!" sabay abot nya sakin ng 50 na buo at dalawang 20 at 10 pesos na barya. Nanlaki ang mata ko?

"magtipid?! O sige ma, hindi na ko kakain. Bye ulit ma!" sabi ko at tuluyan ng umalis.

" baliw kang bata ka! Ang sabi ko magtipid ka hindi ko sinabing wag ka ng kumain!" sigaw nya.


Hindi na ko sumagot. Ang unique talaga ng nanay ko. Eh 15 pesos na nga lang natitira sakin eh pamasahe ko na balikan yung 85. Kaloka si mother.. -_-






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Enigmatic WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon