"SORRY NA! Please, ano ba? Sorry, oo , nagkamali ako! Kasalana ko lahat to. Sorry na, di na mauulit. Promise." -Ranz
Sorry?
Sapat na ba yan?
Promise?
This time, totoo na ba yan?
Minsan, nakakasawa na. Sobra!
"Ranz, ano ba? Paulit-ulit na lang tayong ganto! Hindi na ko natutuwa sa nangyayari satin. Tama na Ranz! Break na tayo. We're over!" -Ako
"Shaina,sweetheart. I love you. Please, one more chance pa. Shai, promise ko..." -Ranz
"Promise na ano Ranz? Na hindi ka na makikipaglandian dyan kay Joy?! Ranz, ialng besea na tayong ganto? Ilang sorry na ba? Ilang promise na? Tama na. Ranz." - Ako
Ang luha na to, tanda na sobrang nasasaktan na ko! Sobrang masakit na!
Habang umuulan, nandito kami ni Ranz sa lugar kung saan una kaming nagkita. Dito rin niya inamin ang feeling nya. Dito kami palaging nagddate. Itong lugar na rin mismo, dito ko sya sinagot.
Hindi ko akalain na dito...
Dito rin pala...
Magwawakas ang lahat!
"Shai, hindi ko sinasadya. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka!" -Ranz
"Sana naisip mo yan bago mo ko niloko!" -Ako
Nasigawan ko si Ranz. At nasampal ko rin sya. Alam kong nasaktan ko siya pero wala yan sa sakit na nadarama ko. Dito sa loob ng puso ko!
Pilit nyang hinahawakan ang kamay ko pero pilit ko ding iniiwas.
"Ranz tama na! Magmove-on na lang tayo. Buti ka nga, nandyan si Joy para tumulong sayo." -Ako
Tumalikod na ko kay Ranz. Hindi ko pa rin mapigilang umiyak.
"Shaina. Hindi ko kaya! Kapag iniwan mo ko, mamamatay ako!"-Ranz
Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni Ranz. Patuloy lang ako sa paglalakad na para bang wala akong naririnigkahit na patuloy lang sya sa pagsigaw.
"Shaina. Sorry na." -Ranz
-------
Isang linggo na rin ng mag-break kami ni Ranz. Aaminin ko, miss ko na sya. Sobra.
Kahit kasi isang text, isang tawag. Wala.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin na masaya na sya kay Joy. Na hindi na nya ko kaylangan.
Oo nga naman, ako nga pala ang nagsabi na mag-move on na.
Kriiiiiiiiiing..
"Hello?"
"Shaina?"
"Yes, speaking. Sino to?"
"Shaina. Si Ranz!"
"Ha?! Anong nangyare?"
--------------
Nandito ako ngayon. Nakatayo sa waiting area. Sa harap mismo ng kwarto ni Ranz.
Hinhintay na magkamalay na siya.
Noong akala ko na wala ng mas masakit pa sa makitang fini-flirt ng ibang babae na boyfriend ko. Mali pala..
Mas masakit palang makita n anakikipaglaban kay kamatayan ang taong pinakamamahal ko.
"Ranz,sweetheart, gising na. Nandito na ko. Ano ba kasing kalokohan yang ginawa mo?!" -Ako
"Shaina?" -Joy
"Joy? A-anong ginagawa mo dito? Si Ranz? Ka-kayo na ba?" -ako
"Shaina. Hindi. Aaminin ko, natuwa ako ng maghiwalay kayo ni Ranz. Kasi. Kasi akala ko may pag-asang mahalin din nya ko. Pero..." -Joy
"Pero ano Joy? Ano?!" -Ako
"Hindi talaga! Isang linggo rin syang wala sa sarili. Nakatulala at laging umiiyak. Wala rin syang gustong kausapin. Hanggang ngayong araw...
Nakita na lang namin sya na...
may laslas sa pulso!" -Joy
"Ha?! Bakit? Wala ba kayong relasyon?" -Ako
"Wala!" -Joy
"Pero. Ako. Ako ba?.." -Ako
"Shaina. Ikaw! Ikaw lang mahal nya. Sorry." -Joy
Napatingin ulit ako kay Ranz.
Kasalanan ko ba 'to?
"Ranz. Sweetheart. Sorry na. Hindi ko kasi alam. Gumising ka lang, promise. Bigyan mo ko, one more chance pa. Ranz. Sorry na." - Ako
Yung sakit na nadarama ko kanina. Dumoble. Gusto kong yakapin si Ranz. Sabihing mahal ko sya! Bakit kasi kailangan pa 'tong mangyari? Bakit?
"Ranz. Sorry na." -Ako
Tiiiiiiiiiiiiit
------------------
"Happy Anniversary Sweetheart! Akalain mo one two yeras na tayo.
Ang ganda ng araw ngayon noh?
Ranz, naalala mo tong lugar na to? Dito tayo unang ngakita. Remember?
Dito rin kaya kita sinagot!
Sweetheart ang sweet mo talaga.
Akalain mo, pumayag kang dito....
Dito rin...
Dito ka ilibing.
Ranz. Kung nasan ka man, sana masaya ka.
Kahit walang twitter and instagram dyan!
Ranz. Napatawad na kita.
Sana mapatawad mo rin ako.
Sorry kasi hindi ako nakinig sa explanations mo.
Sorry na kasi hindi ko binigay yung one more chance na hinihiling mo.
Sorry na a. Sweetheart. I love you ♥.
Mahal na mahal na mahal kita!
Ranz....
SORRY NA. "
____
VOTE VOTE VOTE
Dedicated to my friend Shaina @ShaiChuChu ♥
Ranzter kasi yan!!!
TWITTER: @mewiwoo ☺