POV ni Lai
Pagpasok ko pa lang ng school, pinagtitinginan na nila ako. Wala na akong magawa kung hindi irapan ng lang ang mga tsismosa kong schoolmates. Pati nga pagpasok ko ng klasrum feel na feel ko ang inis ng mga kaklase ko na magiging classmate nila ko. Pakialam ko ba? Basta matataas yung grades ko, I can live without friends. Nandyan naman si Mama ko.
As usual, konti yung mga new student. May isa naman akong naispatan, at katabi niya yung nag-iisang bakanteng upuan. Hay, bakit naman sa section na ito pa ako napunta. Pwede naman dun sa mga kababata ko dati...yung mga taong may alam ng totoo kong pagkatao...kaso nasa kabilang section sila eh. Ngayon, kailangan ko pang makisama sa isang new student. Siguradong tanongero iyan maya-maya. Mukhang galing private school pa, o!
Tapos ngingiti-ngiti pa sakin. Napakaplastik! Buti na lang ang mga bulaklak ko, kahit drowing lang, alam kong totoo.
"Um, hi," sabi ng new student.
Tiningnan ko siya ng medyo masama. Medyo lang, ok? Kasi naman, hindi niya ba nakikitang busy ako sa pag-draw? Tapos guguluhin niya pa ako. Isa pang 'hi' niya sisipain ko na talaga.
"Enrico Gonzales po," sabi niya ulit.
"Kulit mo din, ano? Akala mo kung sino ka? New student ka lang dito at wala ka pang pinapatunayan. Kilala mo ba kung sino ako at kinakausap mo ko? Pwes, ako lang naman si Liwayway B. Angeles, at FYI Mr. Gonzales, walang makakasurvive ng eskwelahan na ito kapag ako ang binangga nila. So watch what you do, or else..."
Hindi na nagsalita yung Enrico. Mabuti nga. Let him leave me in peace. Kailangan kong mag-concentrate lalo na na alam kong magkikita uli kami ni Andrew...siya lang naman ang kras ko. Matangkad, matalino, gwap-bleh! Dapat hindi ko iniisip to eh! Pero oki-oki naman siya. Ang problema nga lang twin sister niya si Drew, ang archenemy ko since first year ng high school. Hanggang ngayon na graduating na kami, hindi parin kami nagbabati. Ewan ko ba sa babaeng yun. Naghahanap palagi ng away. Kung hindi lang dahil kay Andrew sinipa ko na siya palabas ng school.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
So after nung first day of klase palihim kong sinasabayan kumain si Andrew tuwing lunch. Sinigurado kong hindi kami makikita ni Drew o mayroong hindi magandang mangyayari na naman. Mas lalo na nga niya akong kinamumuhian, dahil ako na lang palagi ang nakatatanggap ng Mataray Award of the Year na hawak ng bestie kong si Kim. Simula nung unang time ako nanalo, bigla na lang ako sasampalin o aawain ng nababaliw na si Drew.
Akala ko dadali ang buhay ko pag naging mas matapang ako. Mayroon naman nagagalit dahil tinapatan ko. At hindi lang si Drew ang problema ko. You also have to take the tolls of being mataray. Kapalit ng buhay na walang panloloko, nabibilang lang ang mga kaibigan mo, at wala masyadong may gusto sayo. Ano naman ang magagawa ko? Hahayaan ko na lang lait-laitin ako at ang nanay ko ng mga kapitbahay at kababayan namin? Wala silang chance no.
Someday, makakamit ko na din ang mga pangarap ko at magiging successful ako in life. Maibabangon ko na ang nanay ko galing sa hirap at makakaalis na kami sa madumi at pinandidirihan kong lugar na ito, kasama na ang eskwelahan kung saan ako nag-aaral.
Kaso, ang problema, wala pa akong pangarap, dream o whatsoever.
BINABASA MO ANG
Taray Queen
Teen FictionMabait naman si Liwayway Angeles. Medyo mataray nga lang. Ayun ang unang katangian niyang mapapansin mo. Pero kapag kinaibigan mo siya (at hindi ito masyadong madali) at kinilala mo, isang makabuluhan at madamdaming buhay ang iyong madidiskubre.