Two

3.1K 133 3
                                    

Sa loob ng silid aklatan ni Commander General Dracon ay seryosong nag-uusap ang mga ito.

"If the Tuskan king is amassing an army.  Isa lang ibig sabihin niyon.  They are preparing for war." Si Raiden.

"How credible is your information Giles?" Tanong ni Capt. Sevastyan.

"I personally vouch for him." Sagot ni Captain Giles.

"If what you said is true General then where?" Tanong ni Capt. Sevastyan.

"That's a good question." Sagot ni Raiden at sumulyap sa ama.  Hindi iyon nakaligtas sa matalas na paningin ng mga kasama nito sa silid.

"You can't be serious!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Dax.  "Even how many division of army the Tuskan king has, even if he accumulate that much in a short span of time.  They cannot expect the Empire to fall!  That's absurd, not to mention treason!"

"Anong ibig mong sabihin Capt. Dax, na tayo ang---"ng makita nito ang katutuhanan sa mga mata ng commander general na tahimik lang na nakikinig ay,"that's preposterous!" Hindi makapaniwalang sabi ni Capt. Sevastyan.

"What do you think Capt. Giles?" Tanong ni Gen. Raiden.

"Sa tingin ko, tama ang sapantaha mo General.  Ang hari ng Tuskan ay gahaman.  At hindi rin impossible na makaroon siya ng maraming tauhan dahil sa sobrang yaman niya.  And if he is going to war against the empire he has a mountain of gold to back him up." Sagot ni Capt. Giles.

"But why would he do that?" Hindi pa rin kumbinsadong tanong ni Capt. Sevastyan.

"Tuskan have gold, but nothing else.  He turned his land into a gold mining without thinking of the consequences.  Now his people don't have farmlands and so there are no fresh produce and they cannot eat their gold.  He realized this too late." Sagot ni Raiden.

"But there must be faraway land, some small villages that hasn't been touch.  After all Tuskan is a huge land." Muling sabat ni Capt. Sevastyan.

"Have you meet the Tuskan king Captain?" Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Com. Gen. Dracon at ang mga mata ay natuon kay Capt. Sevastyan.

"No Sir." Sagot nito.  Tumango-tango si Com. Gen. Dracon na parang inaanalisa ang sagot ng kapitan.

"The Supreme Commander doesn't believe it also. But human greed surpasses all. Even common sense." Tumayo ito sa pagkakaupo at humarap sa limang kasama. "Gen. Raiden, I want your men ready. Capt. Giles, Capt. Sevastyan I want more men. If you have new recruits on training and if you think they are ready I need them to be able to fight as soon as possible. And Capt. Dax. I want your ranger on patrol. Ready your fastest rider. I want news. The more time you can give me the better. A week from now we will have another meeting. I hope to the elements that I am wrong but I feel, before the next moon there will be war."

Natahimik ang lahat sa narinig. Maya-maya lang ay nagpaalam na ang mga ito pero bago pa nakaalis ang tatlong bisita ay muling nagsalita si Com Gen. Dracon.

"Gen. Lancaster, I need you to ready your BattleMages." Natigilan ang pinakahuling lalaki na nakatayo na malapit sa pintuan. Ito lang sa lahat na naroon ang hindi purong dugong elfo.

Pagkuway sumagot ito, "Yes Commander." Yumukod ito at tuluyan ng umalis.

"This is not just a simple war is it father?" Tanong ni Raiden sa ama. Dahil parehong mga warriors kaya nakasanayan na nilang tawagin ang ama na Commander pero sa pagkakataong ito ay tinawag ni Raiden hindi bilang isang nakakataas na opisyal kundi bilang isang ama.  "What are you not telling us?"

"Raiden, watch your mother and sister.  I need them safe.  Our enemies might use your mother to get through me. How's her training Dax?" Parang hindi narinig na patuloy ni Com. Gen. Dracon.

"She's great." Sagot ni Dax.

"Good." Pagkatapos ay tumayo na ito. "Dax I need you gone early tomorrow. Goodnight." Iyon lang at umalis na ito.

Walang nagawa sina Dax at Raiden kundi ang sumunod na rin. Nakita ng mga ito ang likod ng ama na pumasok sa silid ng kanilang bunsong kapatid. Pagkatapos magpaalaman ay pumasok na rin sina Dax at Raiden sa kanya-kanyang silid.

Lumapit si Dracon sa higaan ng anak. Mahimbing ang tulog nito, marahil ay sa sobrang pagod. Umupo siya sa higaan ng anak at maingat na inalis ang kulay mais na buhok na nakatabing sa mukha nito.

His little warrior. Kamukhang-kamukha ng kanyang lola na si Iolanthe si Prema. Iolanthe is his mother. A very loving mother. Pero mukhang nagmana sa kanya sa katigasan ng ulo ang anak. Alam niyang nahihirapan ang anak sa pagsasanay nito pero ni minsan ay hindi ito nagreklamo. His daughter is a warrior. Sana lang hindi magkatotoo ang sinabi sa kanya ni Lady Kesiya dahil pagnagkataon dalawang babaeng mahal niya ang mawawala sa kanya.

Pagkatapos halikan sa noo ang anak ay nilisan ni Dracon ang silid ng anak at dumiretso sa silid nilang mag-asawa.

Nagising si Prema sa yabag ng kabayo. Mabilis na bumangon at lumabas ng silid suot pa rin ang pantulog. Naabutan niya sa labas ng kanilang bahay ang buo niyang pamilya. Unang nakapansin sa kanya ay si Dax.

"Hey." Bati nito na lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Hey. You're leaving?" nagtatakang tanong ni Prema.

"Yes." Maiksing sagot ni Dax.

"You too?" Baling ni Prema kay Raiden na lumapit sa kanilang dalawa ni Dax at humalik at yumakap din ito sa kanya.

"I will be back after a week. Pag-igihan mo ang insayo. See you!" Humalik ito sa kanyang ina at pagkatapos ay sumakay sa kabayo. Saglit na nakinig ito sa sinabi ng kanilang ama bago tuluyan ng umalis leaving dust in his trail. Sumunod din si Dax dito.

"Aaron will continue your training Prema same time. I have to go. Take care of your mother for me will you?" Walang nagawa si Prema kundi ang tumango. Pagkatapos yumakap sa ama ay iniwan ni Prema ang mga magulang para bigyan ng pagkakataong magkasarilinan ang mga ito. Pero bago pa man siya makalayo ay narinig ni Prema ang ina.

"Dracon, hindi ko gusto ang sinasabi mong paparating na digmaan. Bago matapos ang linggong ito ipipresenta ko na si ViticiPrema kay Empress Erythrina so she can pledge her allegiance to the queen of our race. At para na rin madala ko na siya sa Elvedom. Kung totoo ang sinasabi mong may paparating na digmaan, I need to make sure the safety of our daughter."

"Will talk about this when I come back Myfanwy. Kailangan ko ng umalis. Be safe for me."

Hindi na narinig pa ni Prema ang iba pang sinabi ng ama dahil umalis na siya at muling umakyat sa kanyang silid para magbihis.

War is coming to their empire. Kung sino ang kalaban ay hindi niya alam. Parang hindi kapanipaniwala na may maglakas loob na kalabanin ang Empire ng Quoria. Aside sa isang makapangyarihan ang empress na namuno, tanyag sa buong lupain ang galing ng dalawang commander general ng empress. At lalo na ang supreme commander na mismong asawa nito, si Supreme Commander Vulcan. If it's true that war coming, she needs to become stronger.

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon