Hi Steven! This is your fictional story, as promised! Sana mabasa na din ni Special Someone mo. Haha... ^___^
Enjoy reading!
-Reese
***
Give everything to someone and she would like it. But, there won't be anything left for yourself. Give her less and she'll complain. The blame is yours alone. What will a man do in a situation where his selflessness is at stake? Will he give up everything for the sake of love or leave something for himself in case he gets a wounded heart?
---
"Sa tingin nyo, ano na'ng nangyari doon sa plano ni Casper?" tanong ni Eli. Siya lang naman kasi ang pinakamaingay sa aming lahat.
"Huwag mong problemahin 'yon. Kaya na 'yon ni Casper," payo ko naman. "Oo nga pala. Hindi ka ba hinahanap ni Reese, ha Sky?"
Nagtataka kasi ako na hindi na kailangang pilitin si Sky para sumama sa mga ganitong lakaran. Madalas kasi, pabebe yan. Masyadong busy sa girlfriend nya.
"Kilala mo naman 'yon, workaholic. Kaya malamang, busy ang isang 'yon," matabang na sagot nya.
"Woo.... Nangangamoy LQ," kantyaw naman nung pinakamalandi, si Lex.
"Gago." – Sky
"Ayusin nyo yan pare. Huwag ka nang tumulad sa amin nitong si Alexander the Great." – ako
"Tarantado ka a. Bakit bigla akong nadamay?" – Lex
"Kasi una, tanga ka.Pangalawa, gago ka. Pangatlo, bakla ka."– Eli
"Para-paraan ka lang. Hindi ko papatulan yan. Lumang style na yan, at hindi kita hahalikan tsong." – Lex to Eli
Naputol ang kantyawan namin nang mag-ring ang cellphone ko. Nakita ko sa caller i.d. ang isang importanteng pangalan at hindi na ako nagdalawang-isip kung sasagutin ko ba hindi.
"Hello?"
"Steve, busy ka ba?" tanong nya na medyo garalgal ang boses.
"Not really. Umiiyak ka ba?"
"Nope. Medyo may ubo't sipon lang." Sus. Mga babae talaga. Halatang-halata na, ide-deny pa rin.
"Nasaan ka ngayon?"
"Sa park, malapit sa amin."
"What were you thinking? Dis-oras na ng gabi," sermon ko at humikbi lang sya. "Hintayin mo ako. Pupunta ako dyan."
After that, pinatay ko na rin. Ang tigas kasi ng ulo. Ayaw nyang makinig sa akin.
"Oh, namimiss ka na nung ex mo?" kantyaw ni Lex.
"Siraulo."
"Dapat ex with benefits ang title ng story nyo pare e." – Eli
"Ewan sa inyo. Mauna na akong umalis. Kayo na ang magbayad nyan kay Asher. Ge."
Napailing na lang ako nung parang wala namang nakinig sa sinabi ko. Palibhasa, mga hayok na hayok sa alak. Hindi ako nagmamalinis. Sadyang importante lang talaga yung tumawag na iiwanan ko yung alak para sa kanya. Mas lalo akong napailing nung sunud-sunod ang mga inabot na shots kay Sky nung dalawa. Tss... si Asher na ang bahala sa mga yan. Sana lang, hindi makaabot kay Reese at baka lalong magkaproblema. Kailangan ko na talagang umalis.
***
"Steve," tawag sa akin ng umiiyak na si Camille, saka sya yumakap. Ginantihan ko naman yun ng mas mahigpit din na yakap.
BINABASA MO ANG
The Iced Gems Series
Fiction généraleA story of frienship, loyalty and love. Join these friends as they tackle issues of differences, brokenheartedness and life's surprises.