Rocco Guevarra (Introduction)

11.1K 142 14
                                    

Rocco Guevarra, The Serious Type

Age: 28Sex: What do you think?Profession: VP For Marketing, Do I have to tell where?Hobby: Magpayaman; Magpayaman; MagpayamanGoal: Waiting for the right time when will I'm going to proclaim myself to Shane

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Age: 28
Sex: What do you think?
Profession: VP For Marketing, Do I have to tell where?
Hobby: Magpayaman; Magpayaman; Magpayaman
Goal: Waiting for the right time when will I'm going to proclaim myself to Shane.

TEASER

"How I wish I could have a place in your heart. Kahit maliit lang. Pagkakasyahin ko na doon ang sarili ko."

Perpektong image ng isang rebellious daughter si Shane. Dahil may family problem, pinili niyang umuwi sa Pilipinas mula New York. Basta na lang din siya nagpasyang makitira sa bahay ni Rocco, ang dating "sinisinta" at college friend. Sa ayaw at sa gusto ng binata, kailangang kupkupin siya nito. Kahit saksakan ng sungit si Rocco, alam niyang hindi siya nito matitiis dahil may taglay rin naman itong kabaitan.

Kaya lang, habang nakakasama ni Shane si Rocco, muling bumabangon ang pagsintang inakala niyang nabaon na sa limot dahil sa tagal na ng kanilang pagkakalayo. Alam naman niyang hanggang pagtinging-kaibigan lang ang kayang ibigay ni Rocco sa kanya. Tatanggapin na lang niya ang masakit na katotohanan.

Pero isang araw, basta na lang siya nito hinalikan. Hindi sa pisngi, hindi sa ilong, at lalong hindi sa noo... kundi sa kanyang mga labi.

Nalito tuloy si Shane. May ibig bang sabihan ang halik na iyon gayong lagi na lang mainit ang ulo ni Rocco sa kanya? Idagdag pang lagi na lang may babaeng nakalingkis sa braso nito?



A/N:

Okay, nagmo-movie marathon din ako nang isulat ko ito. Ewan ko nalang kung ma-figure out niyo kung saan inspired ang story na ito. Alam ko, laugh out loud kayo kapag nahulaan o nalaman niyo. Maski ako, pinagtatawanan ang sarili ko nang isulat ko ito. (Hahaha.)

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon