|| Irene's POV ||
"Ano ba, wag mo nga akong itulak. Kainis ka" inis na sabi ko kay V habang papasok sa room namin.
Pagkatapos kasi namin gumawa ng rules rules nayan, nagsipasok na kaming lahat sa mga room namin. Okay lang sana eh, kaso kung hindi lang sana ako tinutulak ni V papasok sa room namin tsk.
"Bakit ba? Eh sa excited na akong makasama ka sa kwarto eh *smirks*" sabi niya kaya pinalo ko agad siya sa braso niya.
"Kadiri ka, kahit kailan talaga napakabyuntae mo" irap ko sa kanya, kaso nginisian lang niya ako.
Hindi ko na siya pinansin pagkatapos nun at nag ayos nalang ng mga gamit ko, inilabas ko yung mga damit ko sa maleta tsaka inilagay iyon sa cabinet.
At nasabi ko na ba sainyo na iisa lang ang kama sa iisang room? Tsk, tadhana nga naman.
Nang matapos ako sa pag aayos ng mga gamit ko, napatingin ako kay V na bigla nalang humiga sa higaan saka pumikit.
Inirapan ko siya at akmang aalis na sana nang hilain niya ako sa ibabaw niya saka niyakap ng mahigpit.
"U-Uy ano ba,bitawan mo nga ako" sabi ko habang nagpupumigilas para makawala ako sa mga yakap niya.
"Ayoko nga" sabi niya saka nag pout, tsk. Pacute, amputs. Hindi na aandar sakin yung mga pacute niya, bwisit.
"Ano ba?! Bitawan mo na ako kundi--"
"Hahalikan mo ako? *smirks*"
"Luh? Hindi ah, in your dreams. Sasapakin kita kung hindi mo ako bitawan ngayon"
"Grabe siya oh, sasapakin mo talaga ako? Edi masasaktan lang ako nun"
"Edi para patas, sinaktan mo din ako eh" sabi ko kaya tumikhim siya saka ako binitawan, Tumayo ako atsaka inayos ang damit ko.
"Bakit? Ikaw lang ba nasaktan noon?" Seryosong sabi niya kaya agad na napatingin ako sa kanya, tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
Fiksi PenggemarPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017