Simula

5 0 0
                                    

Simula

"Sus! Iniiyakan mo yan? Di hamak na mas gwapo ako diyan, sampung paligo pa bago niya ako matapatan na malabo rin namang mangyare."naiiling na sabi ni jade timothy Rivera, ang unggoy na bestfriend ko.

Humikbi ako at binatukan siya,"adik! Mahal ko, e!"

"Hoy, Kathy Lopez. Pang apat na linya mo na yan, wala ka nang ibang nasabi kundi yan. Ganiyan din ang sinabi mo nung naghiway kayo ng tatlong kumag mong ex."

"Pero--"pinutol niya ang sasabihin ko.

"Mahal mo siya, na sa tingin mo siya na ang 'the one', na siya na ang forever mo at magbabakasakali ka na naman na baka nagbibiro lang siya at mamaya liligawan ka ulit sa tapat ng bahay niyo at hihingi ng tawad sayo kasi naghiwalay kayo nang dahil sa kaniya. Sweet niya ba?" Tumango ako at mabilis na binatukan."WALANG GANUN!"

"Aray ko.."inda ko sabay himas sa ulo ko.

"sabi ko naman sayo ang pangit pangit mo kapag umiiyak ka , e." inalalayan niya akong tumayo, naglabas siya ng panyo at pinunasan ang luha sa mukha ko.

"Sus. O, ayan, maganda na ba ako?"tanong ko nang matapos niya nang punasan ang luha ko.

"Kahit naman labag sa kaloonan ko, sige, maganda ka na--aw! Aray! Aray! S-sige na, Oo na! Maganda ka na!"pinagsasapok ko siya. Nakakainis! Imbes na damayan ako ay nakuha pang inisin ako.

Inakbayan niya ako."alam mo.. mas mabuti pang kumain tayo. Ganito kasi yan, mas mabuti na mahalin mo ang pagkain. Sila kasi hindi nang iiwan, sila yung magpapatunay na may forever pero shempre minsan hindi dapat kayo magkasama kasi tataba ka at isisisi mo sa kaniya."bumuntong hininga siya,
"Ganiyan naman kayong mga babae, e. Kapag naghiwalay nasa lalake ang sisi--! Aray!"

"KAMI PA, HA? KAMI PA? kayo nga ang nang-iiwan, e! Iniiwan sa ere ang mga babae, kasi ano? May nahanap na iba? Bwisit lang, ha?"binatukan ko ulit siya at nang akmang uulitin ko na naman ay kinuha niya ang kamay ko at binaba bago ako akbayan ulit at iginaya pababa.

"Kain nalang muna tayo."aniya

Habang nasa hallway kami ay pinagtitinginan kami. Inggit kayo no? Tama lang yan sa inyo, mga letche! Nginitian ko yung babaeng masama ang tingin sa akin.

Sa gwapo ng kasama ko, sino ba ang hindi mapapatingin? Shempre hinawi ko ang buhok ko dahil feeling ko tagumpay ako sa pangpapainggit sa kanila.

"Umupo ka muna doon, ako na bahala um-order."sabi ni jade sa akin kaya naman sumunod na lang ako. May mga napapatingin sa akin tapos mag bubulungan.

"Naghiwalay na daw sila ni Jann?"

"Oo, yun ang bali-balita, e. Mabuti naman at naghiwalay sila, kung alam mo lang, selos na selos si jann nang dahil sa bestfriend niya."

"Bestfriend ba talaga? Ang sweet kasi nila kaya.. akala ko two timer siya."

Hindi ko sila pinansin, HEH! mga pangit lang kayo!

Umupo ako sa may dulo, dito kami lagi umuupo ni jade kasama si jann.

Naghiwalay kami nang dahil kay jade, nagseselos daw siya at wala akong time sa kaniya. Kasi naman.. halos hindi ko na makasama ng pang matagalan itong si jade kaya nagtatampo rin. At dahil mas mahalaga sa akin ang friendship ay hindi naman pwede na dahil nagka jowa ako ay iiwan ko na ang kaibigan ko.

Nang dahil sa selos nakipag hiwalay siya! Napaka niya talaga! Napaka! Grr

Pero ayos lang! Two months lang yun. Hindi ako apektado.

"Uy! Si kathy!"

Tinignan ko yung nasa pangatlong lamesa, may isa kasing bakante na pinagigitnaan namin ng mga bruhang to. Nag bulungan sila pero rinig ko naman! Mga mangmang! Walang kwenta ang pagbubulungan kung naririnig naman ng taong pinag uusapan niyo! Pero okay lang. Tsk.

"Wala na sila ni jann, bakit kaya?"

Ha! Kasi nga seloso siya. Parang tanga na hindi mapakali kung wala ako sa tabi niya.

"Baka kasi may iba na siya.."

Seloso nga lang diba? Tanga ka ba o tanga lang?

"Hindi rin, loyal yun si jann, e. Baka niloko ni kathy."

Kung tadyakan kaya kita?! Gusto mo?!

Umirap ako sa kawalan at inilabas ang ipad ko.
"Mga walang kwenta. Sus, wala naman akong pake sa kanila."

Jann Navarro

Ang ganda naman ni hanna.
*insert picture of hanna*

669 likes|469 comments|59 shares

----------------
Hanna Lee: thank you! Yung gf mo rin maganda :)

Alam ko, alam niya. Kaya nga niligawan niya ako, e. Tsk. Binuksan ko ang comments at halos mainis ako sa nabasa ko.

Jann Navarro: mas maganda ka, pangit yun. At correction:Ex-Girlfriend.

Letche yun ah! Napaka sama ng ugali! Ha! Kahit anong sabihin niya, maganda pa rin ako! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis--

"Hmm.. siguro kasi hindi naman siya maganda."

Letche talaga.
Inilapag ko ang ipad ko at isinubsob ang mukha sa lamesa. Papatay ako ng hayop. Papatay ako ng hayop!

""
""
""
""
""
""

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay(Walang Forever#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon