Chapter 59

11 2 0
                                    

03/07/16

---------

[ Krystel's POV ]

Hindi ko alam kung ilang oras na simula nong sinimulan namin itong ginagawa namin.

Kasalukuyan kaming nagpipinta ni Yiru habang yong mga kasama namin nagbreak na.

Gutom na ako pero kailangan muna naming matapos itong ginagawa namin para mas mahaba at  tuloy tuloy na ang break time namin.

Pagtingin ko sa kasama ko,napakaseryoso niya sa pagpipinta.Itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa pinipintahan para mas madali kong matapos.

"Best ang tagal mo naman"Tumabi sa akin si Yiru na katatapos lang sa pagpipinta

"Edi ikaw na ang mabilis"

"Akin na nga yan.Baka balak mo na ring kumain no?"

Hindi na ako nagreklamo at ibinigay na lang sa kanya yong brush.

Ilinibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.Kinilabutan ako at halos mapasigaw sa gulat ng may makita akong kabaong sa pinakadulong bahagi ng unang classroom.

Jusme ! Aware ako na gagamit kami ng kabaong pero hindi man lang ako nainform na nadala na pala dito.Hindi ko man lang napansin na ipinasok na pala kanina.

Pilit kong inalis ang tingin ko doon sa kabaong.Kung hindi lang nakabukas ang ilaw,paniguradong sobrang dilim dito sa loob kahit na tirik na tirik ang araw sa labas.

Bukod sa may nakaharang na kurtina sa mga bintana.Pinintahan din namin ng kulay black ang dating kulay cream na dingding.

"Best okay ka lang?namumutla ka ata?"

nagiwas ako ng tingin kay Yiru.

"H-hintayin nalang kita sa labas.Mainit kasi dito sa loob"

Hindi ko alam kong excuse ko lang ba yon o yon talaga ang totoong nararamdaman ko.

Ramdam ko sa sarili ko na kinakabahan ako dahil pinagpapawisan ako ng malamig.

Ugghh ! F*cked this Horror House !

Kinuha ko yong gamit ko at lalabas na sana nong narealized kong katabi ng  kabaong yong pintuan.

Yon lang ang pintuan na pwedeng madaanan dahil nakapadlock pa yong tatlong pintuan.

Napamura nalang ako sa isipan ko at sa oras na ito isinusumpa ko na ang nagplano ng Horror House at bwisit na kabaong na iyon.

Huminga muna ako ng malalim bago unti unting naglakad patungong pintuan.Halos maihi ako sa kaba,sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Sa bawak paghakbang,pigil ang hinga ko.Parang nasusuffocate nga ako.Napatigil ako ng ilang pulgada nalang ang layo ko sa kabaong.Napatitig ako doon at parang naestatwa ako.

How I wish na makakabalik pa ako sa kwartong itong pagkatapos kong makalabas.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili ko.C'mon Krystel kabaong lang yan,wala kang dapat ikabahala.

Itutuloy ko na sana ang paglalakad ng biglang nagsitaasan lahat ng balahibo ko.Napahiyaw at napatalon ako sa sobrang gulat ng hawakan ni Yiru ang braso ko mula sa likuran.

Inalalayan niya ako ng akmang matutumba na ako dahil sa panglalambot ng mga binti ko.Halos habulin ko na rin ang hininga ko.Syems halos mamatay na ako sa kaba kanina.

"You okay?"

"Yeah,n-nagulat lang"Kunot noo niya akong tiningnan.

"Ano?"

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon