Hindi ako maganda..
Oo hindi ako maganda..
Simple, walang arte, walang maipagmamalaki.---
Nagising ako sa padabog na lapag ni Shey nung mga bago nyang biling sapatos." Nakaalis at nakarating nako natutulog ka parin? " bulyaw nya sakin.
" Alam mong alas dos nakong natapos sa paglilinis ng mga sapatos mo, sinabi mo saking gagamitin mo, pero sa tingin ko hindi. " inis kong sumbat ng makita ko yung sapatos nya na nakalagay sa apat na paper bag.
" Eh ano naman ngayon? Anong pakealam mo? Ayokong nalalagyan ng alikabok ang mga sapatos ko. Alam mong gusto ko silang malinis kapag rumampa ako. " sagot nya sakin ng nakataas ang kilay.
Si sheysie highschool palang nag momodelo na. Alagang alaga ni mama ang kutis at muka nito. Panong hindi eh nagmana sakanya ito. Maganda at parehas na modelo.
" oh ano? Alam mo mabuti pa magluto ka nalang, ang pangit mo na nga reklamador ka pa. " pang aasar nito sakin
" alam mo sheysie okay lang kahit walang thankyou. Pero wala kang karapatang hamakin ako, mas matanda ako sayo. Ate mo ako! "
" Ate? Wala kong ateng pangit. Andami dami mo kasing pwedeng pagmanahan eh kay papa pa. Parehas kayong pangit at parehas kayong looser. "
" PAAAAAAAAAAAAAK ! " isang malakas at malutong na sampal habang nangingilid ang luha na sagot ko sakanya.
" WHAT THE HELL " bulalas nya sabay kuha ng salamin na nasa ibabaw ng table.
" Look what you've done ! " namula yung pisngi nya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko, halatang halata iyon dahil sa maputi ang kutis nito." SHEEEEEEY " nabigla kami parehas sa sigaw ni mama kasabay ng pag bukas ng pinto. Natahimik sya at nakatitig sa pulang pulang pisngi ni Shey.
" A----Anong nangyari? " tanong ni mama , duon tumulo ang luha ni Sheysie kasabay ng pag arte nya." mama si ate kasi, itatanong ko lang sana kung may pagkain na. Eh natutulog pa sya kaya ginising ko tapos bigla ba naman akong sinampal. " napatingin ako ng masama kay sheysie. Sinungaling, ibang klase.
" Mama I will..... "
" PAAAAAAAAAAK! " di pa natatapos ang pagsasalita ko ng dumampi ang mga palad ni mama sa pisngi ko." Mama....... "
" Ano Nathalia? Sinong nagsabi sayong pwede mong saktan ang anak ko.. ? " sagot ni mama sakin. Habang si sheysie nakangiti ng nakakaloko." mama.. A---anak nyo rin po ako. " kasunod ng sagot ko ang isa nanamang sampal galing kay mama.
" sa susunod Nathalia, lumugar ka. Wag na wag mong sasaktan ang anak ko. " ang sakit sakit nag hahalo halo na ang emosyon ko..
" Bakit ma? Anak mo rin ako hindi ba? Bakit sya lang? Bakit sya lang mahal mo? Bakit sya lang yung importante? Bakit lahat ng hirap na saakin? Bakit lahat ng sisi kahit sya ang may kasalanan ako parin ? Bakit pakiramdam ko nawalan ako ng pamilya simula ng mawala si papa? "
" sinusumbatan mo na ako Nathalia? " hinalbot ni mama yung buhok ko sabay hila nito papalapit sakanya dahilan para mamilipit ako ng sakit pakiramdam ko yung anit ko natanggal.
" ang papa mo namatay dahil sayo. Ang papa mo nawala dahil sa kagagawan mo. Ngayon sinasagot sagot mo ako? Bastos ka ! " sabi nya habang patuloy na hinihigit ang buhok ko.
" mama, nasasaktan na po ako " hagulgol ko na pag mamakaawa.
" masakit? Pake ko? At dahil bastos ka na lumayas ka. Kaya mo ng mabuhay mag isa hindi ba? Layas! " tinulak nya ako kasabay ng pag hagis nya ng isang bag.
" halika na anak, gagamutin natin yang pisngi mo nako hindi pwede yan " pinahid ni mama ang mga pekeng luha ni sheysie at kasabay ng pagtayo nito mula sa pagkakaupo ay ang pag irap sakin at ngiti ng nakakaloko.
" 10 minuto Nathalia , gusto kong hindi na makita yang pangit mong muka.. " padabog na sinara ni mama yung pinto habang ako ay umiiyak parin habang nag iimpake. Alam ko ang kaya nyang gawin. At hanggang ngayon alam ko kung ano pa magagawa nya.
[A:N]
Hi guys.. Let me know po yung reaction nyo. Thankyou :)
![](https://img.wattpad.com/cover/63764695-288-k117012.jpg)