Complicated You + Confused Me= We're Not Meant To Be

78 2 3
                                    


Complicated You + Confused Me= We're Not Meant To Be

Ilang buwan na ang nakalipas. Ilang buwan naming pagsasama. Akala ko... Akala ko normal lang. Normal lang yung tibok ng puso ko. Akala ko kaibigan lang sya sa paningin ko. Pero hindi pala, iba na pala.



First day of school I found him... Attractive and interesting. Hindi sya mahirap maging kaclose. Mabait kasi, kwela, kahit papaano may utak, may hitsura at madaldal.




Sabi ko "Someday magiging kaclose ko sya." I was surprised dahil tinabihan nya ako.




"Ahhm. 'Te... M- ahhm Pwedeng pahiram ako ng balpen? Kung may extra ka." He said. Yung lang ang kinainisan ko. First day walang gamit? Musta naman diba?




Pinahiram ko sya. At yun ang simula ng closeness namin...Paano ba naman kasi... Hingi ng ganto, bigay. Hiram ng ganyan,angal. Pacute, bigay. Araw araw yan ang daily routine namin.





2nd grading period...





Bago pa nito,pinalipat ako ng upuan...sa likod kung nasaan sila. Pero nasa pang apat ako at pang limang row sya. Nasa aisle ako at nasa kabilang aisle din sya.





Nakilala ko ang grupo nya. Tulad niya, kwela at madadaldal din. Sabi ko sa sarili ko "Swerte yata ako this year dahil naging kaibigan ko sila." napangiti ako. Ngayon lang kasi ako naging one of the boys. Ngayon ko lang naranasan ang magkaroon ng kaibigang lalaki.





Ewan ko ba. Ang saya-saya ko araw-araw. At eto pa, dahil siga silang mga loko loko inari nila ang buong likod ng classroom. Pero mas siga yata sya, bakit? Pinaalis nya yung katabi kong lalaki AT SYA ANG UMUPO. M-medyo... Medyo nailang ako. Ikaw ba naman sa sitwasyon ko?! Like for example, iiextend nya yung arms nya then ipapatong nya sa likod ng armchair ko para tuloy naka akbay, makikipag-usap sya saakin ng malapitan na super lapit talaga kaya naaamoy ko sya,manghihiram ng balpen pero kelangan yung dulo ang mahahawakan nya edi nahahawakan nya yung kamay ko at kung ano ano pang nakakapangilabot na kilos nya.





Now its already 3rd grading period. Kinakabahan ba ako? Ha? What's "dugdug dugdug" thing? Anong nakakatakot sa kanya? Anong ikinakakaba ko? Pero wait... Para naman teleserye to. Yung gantong eksena din tapos marerealize nung girl na- OH MY GOSH!!! Am I? Am I i-in-inlove??!! S-sa k-kanya? I dont know pero sumasang-ayon ang buong katawan ko lalo na ang rakistang puso ko ,na sige sa pagwawala ngayong nasa tabi ko na ang lalaking dahilan nito, sa ideya ng isip ko.

Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon