BRO CODE (One Shot Story)

343 6 1
                                    

Hello everyone! This is my first one shot story and I hope you would like it. ;) Comments or messages are very, very much appreciated. Thanks! <3

ps. Thank you to Ms. Mary (@blabbermary) for the wonderful book cover. Two thumbs up Sis!

_____________________________________________________________

Sizzling Saturday.

Yan ang theme ng party for tonight sa Booze Club kung saan nagkayayaan kami ng barkada kaso...

"Hoy Drei ano nanaman ba tinutunganga mo dyan? Tara na't magsayaw!" makulit na pag-aya ni Rob with hila effect.

"Eh ano ba pakialam mo? Sige na okay lang ako. Mambabae ka na dyan." Painis kong sagot.

Tumabi sa akin si Rob at niyakap ako. Eh? Baho ng hininga!

"Pareng Drei, kahit maton kang babae alam ko namang may gusto ka kay ----"

Tinakpan ko bibig ni Rob kasi dumating na siya. Si Jones ang lalaking pinaka-aasam ng puso ko. Automatic na lumabas ang ngiti ko, buti nalang madilim ang paligid. :')

"Sup guys?" Pa-cool na sabi ni Jones.

"Leche!" Nasambit ko ng pabulong.

"Ano?" Sinabi ni Jones habang papaupo sa tabi.

"Wala! Oh eto beer. Laklakin mo na at samahan si Rob sa dancefloor. O kaya dun kila Jet. Go! Mambabae na!" Sabay behlat. Ay pacute lang? Haha!

"Sows! Drei alam mo namang hindi ako ganun. Tara sayaw tayo. :D" Ay Lord! Wag mo siya pangitiin. Nakakatunaw. :">

"Osige sige. Pangit mo! Wag ka nga ngumiti. :P"

Hinawakan niya ang kamay ko papuntang dancefloor at nagdala ng tig-isang bote ng beer para sa aming dalawa. At nagsayaw kaming dalawa na halos magkadikit ang katawan namin.

Makalipas ang 20 minutes. Nakaramdam na ako ng tama. Sorry naman babae pa din naman ako kahit paano. At nayamot dahil iniwan na lang ako basta sa ere nitong si Jones at nakipagsayaw na sa ibang babae.

"Drei pare! Sa iba muna ako ha!" At patuloy siyang nakikipaglandian este nakikipagsayaw dun sa chakang babaeng yun.

Bumalik na ako sa booth namin at sa hindi ko mapigilang gawin, pinanuod ko si Jones habang nakikipagsayaw sa MGA babae with matching touch pa. Di ko namalayan sunud-sunod na pala ang pag-inom ko dahil sa selos.

Maya-maya lamang mas lalong dumilim ang paningin ko at unti-unti humihina ang tugtog ng DJ hanggang sa...

_____________________________________________________________

"Hmm..."

"Sssshhh... Drei pahinga ka na. Sobra kang nalasing."

"Hmm.. sino ka? Nasaan ako? Ano oras na?"

At parang may humahaplos sa ulo.

"Baliw ka talaga. Si Jones ito, inuwi na kita sa condo mo."

Sa totoo lang masakit ulo ko at umiikot pa din ang paningin ko.

"Aray!" Nahulog ako sa kama dahil sa pagpilit kong bumangon ng biglaan.

"Ano ba naman Drei! Magpahinga ka nalang. Wala ka pa sa wisyo eh! Inumin daw ba ng straight ang beer at tequila. Lakas mo pare!!!"

Masyado naman hyper itong si Jones.

"He he he he.. na-shaan na ba yung mga babae mo? Ba't mo naman ini---wan?"

"Ay pards! Mas gusto ko ng maiwan sila kaysa mahipuan ka ng libre dun. Ayoko ng ganun! Dapat may bayad!"

Ay ginoo! Tuwang-tuwa ang mokong. -_-" Nabatukan ko nga.

"Pero seryoso Drei, hindi ka naman ganun uminom. Ano ba nangyari?" Seryosong tono ni Jones.

"Hmmm... wala lang. Hihihihi..."

Nakaramdam ako ng pagtulo ng luha sa aking kanang mata.

"Drei, bakit naman emo-emohan ka? Dali sabihin mo sa akin. Upakan natin yun!"

"Ge upakan mo sarili mo! He he he he..." Pabirong patama ko.

Pero halos ayaw paawat ng mga luha ko. Di ko na kaya. Mahal ko na talaga si Jones.

"Weh! Bakit ko naman uupakan sarili ko? At bakit ka ba iyak ng iyak? Mukha kang matong bakla Hahaha!"

Natahimik ako. Dumapa ako at ibinaon ang mukha sa unan habang patuloy pa din sa pagluha.

"Waaaaaaaah!!! Hahahahaha! Ano ba Jones! Tumigil ka na!!! Hahahaha! Wag mo ko kilitiin!"

"Sino ba kasi yan Drei? Timang ka naman eh! Iyak-tawa! Hahahaha! Dali na pards! Di ako titigil hangga't di mo sinasabi." Pagpilit ni Jones habang kinikiliti ako.

"Tama na Jones! Hahahahaha!!! Tama na kasi! Sisipain kita! Hahahahaha..."

*PAK!*

Nasampal ko siya.

"Ikaw! IKAW ANG TAONG NAGPAPAIYAK AT NAGPAPASELOS SA AKIN SIMULA NOON PA! Mahal kita Jones, sobra."

Natahimik kami parehas. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Drei pards. Baliw ka talaga! Lasing ka lang. Ge na tulog na. Tulog nalang din ako sa tabi mo."

Nakaramdam nanaman ako ng hilo. Niyakap ako ni Jones at dahan-dahan hiniga. Umayos na din siya ng higa at kinumutan niya na kaming dalawa. Ngunit bago ako nakatulog ng tuluyan para bang may mga labing dumampi sa noo ko at...

"Goodnight Adriana!"

_____________________________________________________________

*hikab*

Haaaaay! Sakit ng ulo ko! Unat dito, unat there.

"Ay shet! Kaninong shades ito sa kama?! Wala naman akong suot na ganyan sa bar. Malamang!"

Isip ako ng isip. Hmmmm...

"Pakshet! Di kaya?!"

Tinignan ko agad ang kama kung may dugo. Kinapa-kapa ang katawan ko. Suot ko pa din ang dress ko.

"Haaaaay! Buti nalang. Pero kanino ba itong shades na ito? Sino kasama ko kagabi?"

Nagmadali ako lumabas ng kwarto para i-check kung may nanakaw ba o ano.

*ADRIANA*

May note na nakadikit sa fridge ko.

"Adriana, pasensya na. Ex mo ang bestfriend ko. We can't do this. BRO CODE. -Jones"

Pota! </3

BRO CODE (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon