Diba ako'y tao lang na nadadarang at natutukso rin..
Maiaalis mo ba sakin ang matutunan kang mahalin
Sa bawat sandaling hiram natin..Meme! Tantanan mo na yang pagkacrayola mo diyan utang na inside! nakasimangot na sermon sakin ng hairstylist ko na si Buern.
Ruben pwede bang pabayaan mo muna ko mag-emote dito? Broken-hearted ako konti namang respeto. pagtataray ko sakanya bago binalik ang atensyon ko sa pinakikinggan ko.
Magmula ng matanggap ko sa sarili ko na bakla ako naging bahagi naa yata ng pag eemote ko yung mga kanta ni Zsa-Zsa Padilla. Sa unang heartache ko at hanggang sa pinaka latest kanta niya pa din ang laman ng soundtrack ng buhay ko.
Kauuwi ko lang galing sa Leg ng concert ko sa Canada. Hindi na nga ko rumampa doon para lang makauwi agad para makapag bora muna kami ng jowa ko before ako bumalik ng showtime.
Pero it turned out na may iba pala siyang plano para sa pagbabalik ko. He broke-up with me. Nagsisimula na daw kasing gumanda yung career niya as a basketball player and he can't risk na masira yun kapag may nakaalam ng tungkol samin.
Naiintindihan ko naman yun eh. Kaya kong sabihin ng walang halong echos na hindi ako galit sa desisyon niya. Nasaktan OO! pero tanggap ko.
I was thinking na bumalik na lang ng showtime bukas to distract myself. Tatawag naa sana ako kay Direk nang makita ko na tumatawag yung nanay ko.
Hi nay! I greeted trying to sound cheerful.
Tutoy kamusta ka? nakabalik kana ba galing sa concert mo? Mapapanuod naba kita ulit sa showtime? sunod-sunod na tanong niya na ikinangiti ko.
Nay kadadating ko lang po. Hindi ko pa po alam kung babalik na po ako ng showtime bukas.
Ay ganun ba. Magpahinga ka muna anak. Sasabihin ko na lang muna sa mga kapitbahay ko na hindi kapa namin mapapanuod. aniya na ikinatawa ko.
Dating ofw yung nanay ko sa New York pero nung nakapagtrabaho na yung ate ko na doktora doon hindi na siya nagtatrabaho dun pero she decided to stay there dahil mas gusto daw niya yung climate and environment niya dun. Umuuwi na lang siya dito once in a while.
Sige nay tatawag na lang po ako kay Direk papasok na ako bukas para mapanuod ako ng mga kumare mo. Babatiin din kita ng live para maniwala silang anak mo talaga ko. pang-aasar ko sakanya.
May mga kakilala kasi siya na ayaw maniwala na anak niya ko. Papasa kasing kalokalike ni Miriam Defensor-Santiago yung mudrabells ko tapos ako kalokalike ni Dawn Zulueta kaya hindi ko naman sila masisi. Maliit na bagay.
Diyaske kang bata ka. Bat hindi ka muna magbakasyon para makapahinga ka muna. Akala ko ba lalabas kayo ni Romeo? usisa ng nanay ko.
Ah yun po ba? Yaan muna yun nay. Cancelled na yun.
He heard his mother sighed. Ano yung cancelled? Yung bakasyon o yung relasyon?
I chuckled. Pwede both nay?
There was a moment of silent. Akala ko binabaan na ko ng nanay ko nang walang paalam. Medyo bastos! charot!
Tutoy.
Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang magsalita ang nanay ko.
Ano yun nay?! Kaloka akala ko wala kana.
Anak. Kapit lang ha. Baka hindi pa lang talaga para sayo yan. Habang hindi pa dumadating yung para sayo. Sana sapat na muna yung pagmamahal ng nanay para sayo ha. Kung parang bisiro pa lang sa liit yang pag-ibig na nakukuha mo sa iba. Ang pagmamahal malaki pa sa kabayo ha. sabi ng nanay ko na nakapagpa-iyak sakin.
Opo naman nay. Choosy paba ko? Yang pagmamahal mo lang nay. Sobra-sobra pa sa sapat. I love you nay. Matulog kana madaling-araw na diyan. Malambing kong sagot.
Sige tutoy. I love you too. she said before she ended the call.
I decided na itext si direk.
Direk pahinga muna ako. Sa lunes na lang po ako papasok. Thank you!
BINABASA MO ANG
Out of her league
FanfictionOne upon a time there was a princess. When she met her prince, she thought they were about to have their happy-ever-after. But fate decided to play on her a witch came and stole her prince from her. The princess did everything to have her prince ba...