****
NASAAN na ba ang maid ko na 'yon? Letse! Asar na sabi ng isip ni Red. Kanina pa kasi siya paikot-ikot kahahanap sa isang iyon. Clumsy pa man din 'yon. Tssk. Bago sila maghiwalay ni Bella ay pinasabi niya rito na baka nito makita si Yuri sa hotel room nito. Magkasama ang dalawang iyon sa hotel room.
And guess what?! Iyong Justine ang kasama niya sa hotel room. Kapag minamalas nga naman ang buhay. Hindi niya alam kung bakit maiinit ang dugo niya sa lalaking iyon.
"Miss! 'Yong bola!"
Bigla siyang napatingin doon. Biglang nag-init iyong dugo niya nang makita si Yuri na imbis na umalis doon ay pumikit pa ito at parang hinihintay na makalapit rito ang bola. That woman! Ginagalit talaga siya. Hindi ba nito alam ang salitang be careful?! Sinabi ko na sa kanya. P*ta!
Kaagad na tumakbo siya palapit rito at hinigit ito. Napayakap siya rito.
Nagulat siya sa ginawa niya.
Again, he felt his heart beating faster again. Shit! Pang-ilan na ba 'to? Bakit palaging ganoon ang nararamdaman niya?! Hindi na muna niya papansinin iyon sa ngayon. Wala lang siguro 'to. He thought.
"Shit, Yuri!
Biglang humiwalay sa kanya si Yuri. Nanlaki ng sobra ang mata nito. Mukhang nagulat ito nang makita siya.
"Pula..." pabulong na sabi nito.
Magsasalita sana siya nang biglang lumapit iyong lalaking naglalaro roon. Napatingin sila ni Yuri sa sa lalaki. "Miss, sorry. 'Di po namin sinasadya." Hinging-paumanhin nito.
"Ahmm, okay lang. Hindi naman----"
He cut her words. "Sa susunod nga mag-ingat kayo! 'Pano na lang kung natamaan niyo 'to?!" Galit na sabi niya. Bigla kasi siyang naasar. He don't know why! And that sucks! Bumaling siya kay Yuri. "At ikaw. Ginagalit mo talaga ako!" Pagkasabi niya niyon, ay hinigit na niya ito. Bakit nga ba siya nagagalit? Dahil ba sa hindi ito nag-iingat? Dahil ignorante ang babaeng ito? O dahil sa singkit na lalaking iyon?! Mas lalo siyang naasar sa biglang sumingit sa utak niya. Lintek na katulong ito! Imbes na utusan niya. Siya pa 'tong sumasakit ang ulo! Naaasar na talaga siya! Sa dami ba naman ng ginawa nitong pang-aasar sa kanya?! Pinalampas na niya, e! Pero ito? Ang hindi pagsunod sa sinabi niyang "Be careful nextime" Teka nga---- bakit ba siya concerned?!
Asar na binitawan niya ito sa hindi na masiyadong matao. Pero nasa tapat pa din sila ng beach. Malakas pa man din ang boses ng babaeng 'to.
Masamang tingin ang pinukol niya rito.
"Ba..bakit?" Iniwas nito iyong tingin sa kanya.
"Mag-uusap tayo!" Asar pa din na sabi niya.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?