Three

2.5K 150 4
                                    

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagsasanay ng marinig nila ang malakas na tunog. A horn blew from a distance. Naulit pa iyon ng ilang beses. Mabilis ang kilos ng kanyang training master na si Master Aaron na hinila siya at dinala sa armoury.  With an expert hand, he choose weapons at inilagay sa katawan nito.  Ganun din ang kanyang ginawa.  Naglagay siya ng dagger sa kanyang magkabilaang boots.  Pagkatapos ay lumabas na sila.   Hindi pa man sila nakalayo ng may nakasalubong silang na dalawang elfo.  Her brother Raidens men.

"My lady, kailangan pumasok po kayo sa loob ng bahay.  Narito kami sa utos ng iyong kapatid." Nakilala ni Prema ang nagsasalita, si Sgt. Yellowbark.

"What happen outside Sgt.?"kinabahang tanong ni Prema.

"Nilusob tayo ng Tuskan.  May mga battlemages sila kaya maraming nasaktan sa labas ng gate at dahil nakapasok na sila ay marahil pati sa loob ng gate.  Kaya hindi kayo pwedeng lumabas Lady ViticiPrema."

"My mother Sgt. Yellowbark, kailangan kung hanapin ang ina ko."

"Wag kang mag-alala.  Naroon ang iyong kapatid sa palasyo at ito mismo ang nagbantay sa Empress at ng pamilya nito."  Sagot ng sargent kaya walang nagawa si Prema kundi ang sumunod. 

Sa nakalipas na ilang oras ay hindi mapakali si Prema kung ano na ang nangyari sa mga magulang at kapatid.  She keep on praying to all the elements to keep them safe.

Hindi mapakali si Prema.  May naramdaman siyang kaba sa dibdib.  Kailangan makalabas siya ng bahay at makapunta sa palasyo.  Kailangan niyang makita ang ina.  She felt it in her gut that something bad is going to happen.  Anyong tatayo si Prema para magpaalam sa mga nagbabantay ay bigla silang may narinig na nagsalita.

            "Listen to me and listen well.  Tuskan!  Dahil sa kasakiman ng inyong hari, winasak ninyo ang aking lupain.  Pinatay ninyo hindi lang ang aking mahal sa buhay, mga kaibigan kundi pati ang mga inosenteng tao na tahimik na namumuhay.  Dahil sa kasakiman kaya nagawa ninyo ito!  Simula sa araw na ito, wala na kayong yamang lupa na mamimina sa inyong lupain!  Dahil ginamit ng inyong mga elemental mages sa kasamaan ang kanilang kapangyarihan wala ng kahit isang elemento ang maari nilang kontrolin!  Sa mga nandidito ngayon, magdudusa kayo habang buhay! You will suffer until an Empress of my blood will rule and unite Quoria again.  At hanggang hindi dumating ang panahon na iyon, you will suffer!  Ako si Empress Erythrina Maranwé Narmolanya of the House Elveden, the Queen of the White Elves of Elvedom, isinusumpa ko kayo!"

Biglang dumilim ang kapaligiran, kasabay niyon ang pag-ihip ng malakas na hangin, nakakabingi ang dagundong ng kulog na sinamahan ng kidlat.  Lumindol ang buong lupain.  Nang sa wakas ay bumalik sa normal ang lahat ay noon lang napansin ni Prema na nag-iisa nalang siya sa bahay.  Parang bula na biglang nawala ang dalawang nagbabantay sa kanya. "Sgt. Yellowbark? Master Aaron? Eden?" Tawag niya sa mga ito.  Tinakbo ni Prema ang kusina pero walang kahit isa doon ang natira. Binundol ng sobrang kaba si Prema. Mabilis na kinuha ni Prema ang isa sa mga sword na nasa dingding bago nagmamadaling lumabas sa kanilang manor at tinakbo ang daan patungo sa palasyo. Pero ng dumaan siya sa plaza ay napasulyap siya sa labas ng malaking gate. Lumiko si Prema at tumakbo palabas ng gate. Sa mismong labas ay naroon ang napakaraming tao.

Iginala ni Prema ang mga mata, naghahanap ng pamilyar na mukha o matulis na tainga. No one have ears like hers. Not one. Nanginig ang katawan ni Prema na muling tumakbo. Humihingal man ay hindi tumigil sa pagtakbo si Prema kahit ng makarating sa paanan ng Lasang. Deretso ang takbo ni Prema hanggang sa bigla nalang siyang nabangga sa kung anong bagay. Patihayang napaupo siya sa lupa.

"Mother! Father! Raiden! Daxen!" Sigaw ni Prema. Nang walang sumagot ay muling sumigaw ito habang namaybay sa gilid ng hindi nakikitang barrier.

"Mother! Father! Raiden! Daxen! Please...narito ako..."nagsimula ng tumulo ang luha ni Prema ng mapagtanto na naiwan siyang mag-isa.

"Daxen! Please...kunin mo ako dito!" Sigaw pa rin ni Prema habang naglalakad still hoping na may makarinig sa kanya.

Sa loob ng Lasang.

Nagkagulo sa Lasang dahil sa biglang naglitawan ang mga elfo doon. Nang marealize ni Myfanwy na ibinalik sila sa kanilang mundo ay nagsimula itong kabahan. Mabilis ang mga hakbang na hinanap ang anak na si Prema. Nakasalubong nito ang anak na si Raiden.

"Raiden! Si ViticiPrema? Nasaan ang kapatid mo?" Namumutlang tanong ni Myfanwy sa anak.

Namutla si Raiden sa tanong ng ina. "Pinabantayan ko siya kay Sgt. Yellowbark at Master Aaron. Hahanapin ko sila."

"Please Raiden. Si Daxen nakita mo ba?" Tumango si Raiden.

"Mother..." Simula ni Raiden, hindi alam kung paano tatanungin ang ina.  He started to ask her pero mukhang agad na nakuha ng kanyang ina ang gusto niyang itanong dahil kung kanina namutla ang ina ay halos magkulay papel ang mukha nito.

"No...no!" Sigaw ni Myfanwy. Tumakbo ito patungo sa hangganan kasunod naman si Raiden dito.

Napahinto sa pagtakbo si Myfanwy when she saw someone, an all too familiar figure na tumatakbo palapit sa hangganan ng Lasang.

"Prema!!!! O my god! ViticiPrema!" Umiiyak na sigaw ni Myfanwy.

Kasunod ni Raiden ang kapatid na si Daxen at ang kanilang ama.

Halos madurog ang puso ni Dracon sa narinig at nasaksihan. Umiiyak at walang tigil na tinatawag sila ng kanilang anak. Habang ang asawang si Myfanwy naman ay nakasunod sa anak habang binaybay ang hangganan ng kanilang mundo at mundo ng mga mortal na tao.

Hindi nakatiis na nilapitan ni Dracon ang asawa.

"Did you know this will happen?" Nanlilisik ang mga mata at galit na tanong ni Myfanwy ng malingunan ang asawa. Hindi sumagot si Dracon pero hinawakan ang balikat ng asawa.

"Answer me! Did you know this will happen?" Muli ay hindi sumagot si Dracon. Noon lang narealized ni Myfanwy ang katotohanan.

Napaatras ito. "You plan this did you? Did you Dracon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Myfanwy. "I told you repeatedly that our daughter need to pledge her allegiance to our Queen para madala ko siya dito sa unang pagkakataon. Pero palagi kang walang oras. Why? Why? Why my daughter? She's our only daughter Dracon! Our only daughter! She's just a baby!  And you left her with humans! Kunin mo siya! Kunin mo siya!" Hysterical na iyak ni Myfanwy.

Nang hindi kumibo si Dracon ay tumigas ang anyo ni Myfanwy.

"Kinasusuklaman kita! Naintindihan mo ba? Kinasusuklaman kita!" Umiiyak na sigaw nito sa asawa. Lumapit si Raiden sa ina at niyakap ito. Nanatiling nakatayo sa di kalayuan si Daxen habang nakayuko ang ulo. Kahit ng marinig nito na tinawag ng kapatid sa kabilang mundo ang pangalan nito ay nanatiling hindi kumikilos na nakatayo ito.

"Daxen please....Raiden..."

He is battle harden warrior, a warlord in his own right.  Almost a hundred years old but no one prepared him for this.  Tinakpan ni Daxen ang mga tainga habang tumutulo ang luha sa mga mata.  Hindi nakayanang marinig ang boses ng kapatid na nagmakaawa.

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon