Charles' POV
"Oyy, nakita mo na ba yung nakadikit sa bulletin board?" Rinig kong tanong ng babae malapit sa akin.
Andito ako sa school. Kakapasok ko pa lang sa gate. Tapos itong mga babae sa gilid eh chikahan ng chikahan. Ano bang meron?
"Ah oo. Mukhang masaya nga yun eh! Gusto ko manuod!" Sabi naman ng kausap nung babae at saka sila naglakad paalis sa pwesto nila.
Binagtas ko na ang daan patungo sa bulletin board. Wala eh, na-curious ako bigla. Alam niyo naman, curiosity kills the cat.
Pagdating ko sa harap ng bulletin board, ang daming nagkukumpulang tao. Ano bang meron?
Hindi ko naman makita yung nakapaskil kasi ang tatangkad ng nasa harap ko. Pasensya na ah, hindi ako biniyayaan ng height. Hindi naman ako masyadong maliit. Sakto lang.
Sumingit singit ako sa mga nagkukumpulang tao. Wala akong pakielam basta tulak lang ako ng tulak ng kung sino sino. Hayop eh no? Nang mapunta na ako sa harap mismo, malinaw na malinaw ko nang nakita ang nakapaskil.
What: Dancing In Tandem
When: September 14, 20**, wednesday 3:00
Where: University GymnasiumApplication is on-going.
Ay, hanudaw? Dancing In tandem? Ano to? Parang Riding In Tandem? Diba pag tandem, dalawa lang? So ibig sabihin, dalawa lang ang sasayaw dito? By two's ganun? Ang corny naman.
"Sali tayo."
"Ay tangna ka!" Napagilid ako nang may bumulong sa tenga ko. Eh paano ba naman, bumulong itong demonyo na ito sa tenga ko mismo eh! Nakakakiliti kaya! Sinong demonyo ba kamo? Edi si Keith!
"Hayop ka! Kabute ka ba? Sulpot ka na lang ng sulpot kung saan saan." Sabi ko sa kaniya.
"Sus, masaya ka ngang makita ako eh." Mahanging sabi ng gago.
"Hoy, kubeta boy! Ayokong nakikita yang pagmumukha mo no!" Pang-aalaska ko.
"Kubeta? Uuuy, iniisip pa rin ang nakita sa akin!" Pang-aasar pa niya.
"Ulol. Ano bang nakita ko?" Sarkastiko kong sabi.
"DIBA NAKITA MO YUNG BAY-----" tinakpan ko ang bunganga ng gago! Tangna nito! Ang lakas pa ng boses! Eh nakapaligid pa naman ang mga tao sa amin! Ako talaga, punong puno na ako dito eh!
Hinila ko na siya palayo sa mga tao. Nang makalayo layo naman kami, binitawa ko na ang gago.
"Kadiri ka! Yung laway mo oh!" Sabay punas punas ko sa damiy niya.
"Uuuy, nananantsing ka lang eh!" Pang-aasar niya.
"Ikaw! Papatayin talaga kita eh! Ang daldal mo! Stapler-an ko iyang bunganga mo eh!" Sabay kunwari naghahanap ng stapler sa bag ko. Syempre, wala akong stapler no. Ang tamad ko kaya magdala ng gamit.
"Oy oy oy, joke lang!" Sabay hila ng kamay ko.
"Aray!" Ang sakit ah. Gago talaga ito!
"Ano sama tayo!" Tanong niya.
"Saan?"
"Dun sa dancing in tandem!"
Nag-isip naman ako. Kami? Ng bugok na ito? Sasama sa dancinh in tandem? Ayoko nga no!
"Ayoko!" Sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Baka mapahiya pa ako dahil sa iyo eh! Hahahahahaha." Ang lakas ng tawa ko.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Love [boyxboy]
Dla nastolatkówSa bawat ritmo ng musika ay siya ring pagsabay ng tibok ng aking puso. Ako si Charles Quijano at ito ang aking kuwento. This is a boyxboy story, you've been warned.