Chapter 8. The Past (Part 2)

974 12 7
                                    

Nichole's POV

Pagkatapos akong makidnap ng mahigit isang linggo ay napagpasyahan ko munang magpacheck up sa hospital, buti na lang sinamahan ako ni Zhyre. At buti na lang din pinakawalan ako ng mga kumidnap sakin. Sa basurahan nga lang ako inilagay at nilagyan pa ng packing tape at may nakasulat na "mabaho ako, wag lapitan". Punyeta talaga, sinong di babaho kung sa basurahan inilagay diba? Pero ayos na rin yun atleast buhay ng pakawalan kaysa patay diba, baka pinaglalamayan na ako ngayon. Malaman ko lang talaga kung sino may pakana nun, lintik lang ang walang ganti. Panigurado din akong pinaghahanap na ako ng mga CIA sa biglaan kong pagkawala.

After kong magpacheck up, dumiretso na rin kami ni Zhyre sa Mall. Nagtagpo pa yung landas namin ni Dave. At akalain mo nga naman, may concern din pala ang ungas na yun sa akin? Medyo namis ko yung kahanginan niya. Buti na lang dumating agad si Zhyre na dala yung damit na pinamili nya. May bumuhos daw ng tubig sa kanya sa loob ng CR. Kaya naudlot yung pakikipaglandi ni Dave sa akin kaya ang sama ng tingin ang ipinukol niya kay Zhyre. Problema nun?

"Nic, mauna ka na sa sasakyan. Susunod lang ako sayo pagkatapos kong magbihis." sabi ni Zhyre kaya nauna na ako dun.

Bago pa man ako makarating ng lobby may umatake sakin mula sa likuran. Nabitawan ko tuloy yung mga dala ko.

"Damn it!" napamura ako ng mahina. Kagagaling ko lang sa isang linggong bugbugan at ito na naman, mapapalaban ako. Kaya no choice ako kundi harapin siya. She's a girl na nakamask at nakahoody. Yung mata niya lang ang kita, parang ninja.

"Who are you?" but instead na sagutin niya tanong ko, she used to attacked me. Ang bilis niya.

Nakailang atake na ako pero di ko man lang siya natatamaan. Ang nakakainis pa, she kept on smirking. Kita ko sa mga mata niya ang pang aasar. 

"Weak." sabi niya dahilan para kumulo ung dugo ko. Kaya umatake ulit ako, pero palaging ilag yung ginagawa niya. 

"Loser."

"Sumusobra ka na!" sigaw ko sabay atake ulit and this time napuruhan ko siya sa sikmura niya pero tumawa lang siya. 

"Is that all? Mas malakas pang sumipa yung security guard ng subdivision namin kaysa sayo na AGENT." diniin niya talaga ang pagkasabi ng agent. Bago pa man ako umatake ulit, nakalapit na siya at nagpakawala ng malakas na suntok sa sikmura ko. Sesegunda pa sana ulit siya, buti na lang dumating si Zhyre at na divert yung atensyon niya dito.

Katulad ng ginawa niya kanina, puro ilag lang siya laban sa mga suntok at sipa ni Zhyre. Sino ba talaga siya at bakit niya ako inatake? Buti na lang wala masyadong tao dito sa lobby.

Hingal na bumagsak sa tabi ko si Zhyre. Katulad ko napagod siya sa kakaatake, pero ni isang tama man lang sa kalaban ay wala.

"Yun lang ba ang kaya niyo? Hindi man lang ako pinagpawisan." lumapit siya sa amin at isa isa kaming, sinapak? Bakit sapak?

"Ang hihina niyo pa rin talaga kahit kailan. Ni mahulaan nga kung sino ako di niyo magawa, yung kalabanin pa kaya ako? Ang sarap niyo talaga pagtripang dalawa, Nicholai at Zyra." nagulat kami ni Zhyre sa pangalan na tinawag niya samin.

Iisang tao lang naman ang tumatawag sa amin ng ganun. Nanlaki ang mga mata namin nung tanggalin na niya sa harap namin ang suot niya mask.

"Ikaw?" sabay na sambit namin ni Zhyre. Di kami makapaniwalang siya nga ang nasa harapan namin. Pero paano niya kami natunton at nakilala?

"No other than." Saka niya sinuot ulit ang mask. 

"Teka, paano mo kami natunton dito?" Tanong ko.

"Malaki na ang pinagbago ko Nicholai. Pumasok muna tayo sa sasakyan ko. Baka may makakakita pa satin dito." Saka siya naunang pumasok sa kotse niya. 

The Fierce Girl (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon