Hayy, nakakamiss talaga ang buhay highschool. Nakakamiss, lalo na yung mga kaibigan mong kasakasama mo parati sa kalokohan,iyakan, at syempre sa kasiyahan. Yung tipong pag nakita niyo si CRUSH agad agad magtitilian at sabay sabing "Ang gwapo nya talaga!" :D Tas yung kaibigan mo pang pag nakita yung crush sabay palo pa sa balikat mo. Hahaha.
Sa College kaya ganito pa din?
-------------------------------------------------------------------------
Ito na! This is it! this is really is it is it! Hahaha.
FIRST DAY OF COLLEGE LIFE!
Papunta na ako ngayon sa Room 402. Diyan kasi yung unang klase ko. Huhuhu, sana naman may makilala na akong bagong kaibigan para naman hindi na ko kabahan dito ng bonggang bongga.
Nasa may hallway palang ako ng nakasalubong ko si Mae, schoolmate ko nung highschool.
"Oy Mae!"
"Jade! dito ka din pala mag-aaral? :)"
"Oo. :) saang room ka ngaun?"
"Sa 402. ikaw?"
"Parehas tayo! :) ibig sabihin we're classmates pala!"
"Oh yeah! haha. Buti nalang may kasama na ako, kanina pa nga ako kinakabahan eh."
"Ikaw lang ba? ako din noh! Muntik muntikan na nga akong makaihi dito eh."
"Hahahaha, ikaw talaga jade patawa ka talaga, halika na nga baka malate pa tayo. "
"Haha, sige tara"
-------
Grabe, sobrang tahimik naman dito, ni wala akong marinig na nag-iingay. Nakaupo lang mga kaklase namin, yung iba may sariling mundo, yung iba naman nakaheadset lang, yung iba naman wala lang talaga, Hayy! kaloka naman tong mga to.
"Psst, jade!" bulong sakin ni Mae
"Oh?"
"Ang tahimik ng mga kaklase natin noh?"
"Oo nga eh, pero sa umpisa lang yan"
Bigla namang may pumasok na lalaki.
"Good morning Class"
"Good morning Sir"
Ohhh.. Talaga? Instructor namin yan? ang gwapo naman! Hahaha. Ke umpisa palang ng klase humaharot na eh. XD
"Okay, i will be your instructor in Blahh blahh blahhh................"
Hayy, boring naman! Parang gusto ko ng umuwi agad. Hehehe. Sinabi lang naman ni sir yung mga rules and regulations tas wala na, see you in next meeting na daw. Oh diba. Hahaha.
Habang papalabas na kami ng classroom ni Mae. Biglang may lumapit..
"Excuse me ate, san po yung library dito?
Agad naman akong humarap bigla dun sa babae dahil sa narinig ko, ATE??
"Huh? Ahh dun sa may AB building."
"Ah, salamat po ate. Ako pala si Daisy" :)
"Ahh, Jade naman:) at ito pala si Mae."
"Hello, nice to meet you. :)
"Wait lang, bat mo pala ako tinatawag na ate? ilang taon ka na ba?" tanong ko kay daisy, kung makaate kasi. Hahaha
"16"
"Oh, parehas lang pala tayo eh."
"Oh? Pasensya na! Akala ko kasi...."
"Hehehe, okay lang yun anu ka ba"
"Oy fren, napaghahalataan kang ate oh. Hahaha" bulong sakin ni Mae, ito talagang babaeng to oh,
"Oh sya, tara na sa Library. :) "
Kaloka naman tong daisy na to! Pagkamalan ba naman akong ATE. Hahaha. Buti nalang mabait ako. :D Wihihi..
---------------------------
YOU ARE READING
First Day
Teen FictionCollege life? Ayan na yung kinakakatakutan kong parte ng pag-aaral ko. Gabi gabi ka ng magsusunog ng kilay para makapasa ka sa mga subjects mo. Takot kang bumagsak. Magiging responsable na sa lahat. Hayyy.. Sabi naman ng iba masaya daw, kasi ibang i...