Chapter 11

33.5K 926 97
                                    

Chapter 11

"That fcking asshole..." bulong ko sa hangin habang nakakuyom ang aking mga palad dahil sa nakita ko kanina.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sa'kin gusto nyang kalimutan ang lahat? Putangna lang, sinong kayang taong nasa tamang pag-iisip na kayang kalimutan na nagahasa sya? At ang masakit pa dun, pinakamatalik na kaibigan ko pa gumawa ng kahayupang iyon sa'kin. Tapos bigla nalang syang susulpot, kakausapin ako na parang walang nangyari at ang masakit pa dun may katabi syang babae.

Bumuga nalang ako ng hangin para mailabas ang sama ng loob ko. Napapagod na akong umiyak. Di lang dahil sa masamang nangyari sa'kin kundi dahil na din sa mga sa na ipinararamdam nya sa'kin. Ang sakit lang na gusto nyang kalimutan lahat ng nangyari. Sya pa talaga ang gustong makalimot, gago sya. Parang sya ang nagahasa.

Pero sige, gagawin ko ang gusto nya. Alam kong para akong tanga dahil ako naman ang dehado pero parin aakto ako na parang wala nangyari. Mas gusto ko na ito kesa magulo pa ang mga buhay namin. Para sa'kin narin at sa mga mahal ko ang gagawin kong pananahimik.

Nakakainis man amin pero ayoko ding masira ang pangalan ni Michael sa oras na magsumbong ako. Kahit na alam kong wala namang maniniwala sa'kin - dahil lalaki ako - siguradong magkakabahid parin ang pangalan nya. Ayoko din namang madamay pa dito si Tita Son na siguradong hindi lang tatayo sa isang tabi. Paniguradong lalaban iyon kahit na makapangyarihan pa tulad nina Michael ang kalaban nya. At higit sa ayokong masira ang samahan ni Tita Son at Michael. Masyado silang malapit sa isa't-isa at ayokong sirain iyon. Tama na siguro ang mga dahilang 'yun para manahimik. Call me hypocrite all you want. I won't care, just eat my fart. Isa pa, lalaki ako. Kaya ko na ihandle ang sarili ko. Kaya ko nang sarilinin ang sakit.

Hinihiling ko nalang na sana wala na ulit mangyaring ganito ulit. Kung mangyari man, di na ako magpapadala sa takot at lalaban ako sa kanya.

Pero sa tingin ko naman di na nya iyon magagawa ulit tutal mayroon na syang girlfriend. He can fvck her whenever and wherever he want. Isn't it convinient? Siguro naman makukuntento na sya doon.

Sumilay ang isang mapait na ngiti sa mukha ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari di ko parin maiwasang masaktan nang makita syang may bagong babae na namang hinahawakan.

Muli akong bumuga ng hangin.

"Dammit..." mura ko at tumingin sa buong school.

Andito nga pala ako sa rooftop ngayon. Binabanas kasi ako kanina kaya naisipan kong umakyat dito. Thankfully, covered naman siya kaya malilom. Pero di parin sapat ang hangin dito para maibsan ang banas sa katawan ko. Gusto ko mang hubarin ang turtle neck na suot ko ngayon pero baka biglang may pumasok at makita ang mga pasa at kissmarks sa katawan ko.

"Tulad nyan..." bulong ko nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop.

Napatingin naman ako para tingnan kung sino ang pumasok. Nakita kong pumasok si Dark kasama ang isang babaeng may mahabang skirt. Pinilit kong inaninag ang babae kasama nya. Biglang kumulabo ang buong paningin ko. Ipinilig ko naman ulo para mahimasmasan.

"Carlo, ikaw ba 'yan?" Narinig kong tawag sa'kin ni Dark.

Nakangiting tumingin naman ako sa kanya at kumaway. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin naman ito sa kasama nyang babae kanina kaya naman napatingin din ako dito. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino 'yung kasama nyang babae na ngayon ay nanlalaki din ang mata tulad ko habang nakatingin sa'kin.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon