ALTHEA'S P.O.V.
"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ni Sherickha.
Tama nga ako, dito siya pupunta.
"Kasi alam kong sa ganitong pagkakataon, mas gusto mong maglabas ng nararamdaman kay Nina. Just like how you do before." Sagot ni Marius.
Oo, si Marius ang nakahanap kay Sherickha.
Hindi ko akalain at hindi ko lubos maamin sa sarili kong maiisip niyang dito pupunta ang best friend ko.
Ako lang kasi ang nakakaalam na dito nagpupunta si Sherickha kapag ganitong pagkakataon. Dahil higit kanino man, ako ang nakakaalam kung paano tumakbo ang isip ni Sherickha.
Pero sa pagkakataong 'to, hindi ako ang unang nakahanap sa kanya. Pagdating ko rito, nandito na si Marius na siyang ikinagulat ko.
How precious she is that he found her that fast?
"Marius, bakit ganon? Bakit ang sakit sakit?" Tanong ni Sherickha sa kanya habang nakatitig sa puntod ni Janina.
Hindi ko rin alam, kung bakit hindi ko magawanh lumapit sa kanila. Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko at ni hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko.
"Oo, alam ko namang mahirap para sa kanyang tanggaping wala na si Nina. Pero five years na Marius. Five years na eh. Pero bakit nandun pa rin yung galit?" Sabi ni Sherickha.
Ramdam ko ang lungkot at sakit sa boses niya. Sa tanang ng buhay niya, wala siyang ibang tiningnan kundi si Marcus lang. Wala siyang ibang minahal o pinagtuonan ng atensyon niya kundi ang isang lalaking kahit kailan ay hindi naman nakita ang halaga niya.
Gayunpaman, hirap na hirap siya non. Bukod sa hindi sila parehas ng nararamdaman, isang babaeng malapit pa sa kanya ang nakakuha sa puso ng lalaking mahal niya at si Janina 'yon.
Ganun na lang ang pagmamahal ni Sherickha kay Janina na nagawa niyang magparaya, tiisin ang sakit na dulot ng pagmamahalang hindi naman niya mahahadlangan kahit na anong gawin niya. Ganun kahalaga si Nina at nagawa niyang saktan ang sarili niya para lang maging masaya ang iba.
"Alam ko namang hindi niya makakalimutan si Nina, pero yung nangyari...hindi ba niya pwedeng kalimutan na lang?" Sambit ni Sherickha saka niya ibinaling ang tingin kay Marius na ngayon ay nakatitig sa puntod ni Nina.
Hindi ko rin alam kung bakit umabot sa ganito. Kinailangang may mawalang isa sa aming magkakaibigan. Na siyang naging dahilan para magkaroon ng harang sa mga pagitan namin. Dahil dun, nagkaroon ng mga problemang hindi nakikita at pinipilit huwag tingnan.
"For pete's sake I tried to save her! Sinubukan ko siyang iligtas Marius. Sino ba naman ang may gusto na mawala ang pinsan ko, hindi ba?" Umiiyak na sabi ni Sherickha saka siya tumawa ng mahina at nagpunas ng luha. "Mismong ako hindi ko kaya! Ngayon, paano ko papatawarin ang sarili ko? Kung si Marcus mismo hindi niya ko magawang patawarin sa insidenteng 'yon!"
Matapos niyang magsalita at humagulgol muli siya.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin, saka sabihing magiging maayos din ang lahat. Pero bago ko pa man din magawa ang bagay na 'yon, may nakagawa nang iba. At si Marius 'yon.
Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa senaryong hindi kinakaya ng puso ko ngunit ayaw kong mawala sa paningin ko.
"Hindi mo kasalanan. Maybe hindi pa talaga niya tanggap na wala na si Nina. First love niya si Nina eh. Alam natin 'yon." Sambit ni Marius saka niya iginaya ang ulo ni Sherickha sa balikat niya. "But believe me or not, matagal ka na niyang napatawad. Kaya patawarin mo na rin ang sarili mo Sherickha. Pakawalan mo na yung sarili mo, sa pangyayaring 'yon."
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Fiksi RemajaSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...