CHAPTER 5

237 9 0
                                    

Shine's POV

"Mark?!"

Sabi ko dahil nakita ko si mark..
Dito din pala sya nag aaral.. kita mo nga naman oh. Napatingin sya sakin at biglang ngumiti.

"Oh. Hi shine? We meet again.!" sabi nya.
With matching kaway kaway pa.

nanalo bilang president si jane. Ang vice president naman e si clarise. Yung katabi ko. natapos na yung nominating for treasurer. . . Muse and escort na.

Nagulat ako ng makita ko na lahat ng classmate ko naka taas kamay. Naguunahan pa nga sa pag nonominate.

Mas ikinagulat ko na lahat sila tumitingin sakin at naka ngiti.

"I nominate shine maddie for muse and prince sky for her escort!"

Sabi nung bakla naming classmate. hahaha! Nakaka tawa sy--

Wait. Wait. Wait. Shine? Ako ba yun? Wahhh!! Pero sino si prince?

"Okey the final answer.. shine and prince, our muse and escort..."

Sabi ni president bestie. Lahat sila nag tatatalon sa saya! Kala mo nanalo sa loto at yung iba nagbabatukan pa sa tuwa.

Bigla tumayo yung lalaking katabi ko. Hindi ko nakita yung muka nya. Naka yuko na kasi ako dahil medyo nahihiya ako dahil naka tingin pa sila sakin.

Biglang nag tayuan mga classmate ko dahil dumating na ang advicer namin. Bumati kami ng 'Good morning' at umupo na kami tumingin ako sa babaeng nasa harap ko at bigla syang tumingin diretso sa mata ko.
Tinaas naman nya bigla yung kamay nya.

"Yes?" sabi nung adviser namin.

"Ma'am si shine po naka eye contac lence!"

Hala. E may grado naman to e! Napatayo ako bigla at gusto ko magg paliwanag.

"Ma'am let me explain pl--"

"Wait... Sa detention room ka nalang mag paliwanag ok?" tumango nalang ako at lumabas na ako sa room at diretso sa detention room. Naka rating ang ako doon at binuksan ko ang pinto.

Pumasok ako sa loob at ang dilim dito. Yaman yaman ng school na to Tapos detention room walang kuryente?

Umupo ako sa pinaka unahan. Medyo mainit at habang patagal ng patagal ay umiinit. Binuksan ko ang isang butones blouse ko dahil pinag papawisan na ako.

Tumagal ng 5 minutes at naramdaman kong biglang lumamig. Wahh!! Baka mamaya may multo dito tapos baka mamaya hawakan paa ko tapos mamaya hatakin ako tapos may dugo dugo pa sa muka----

"Kuya nasan ka na?" sabi ko ng medyo mahina kasi medyo maecho sa loob.

Biglang bumukas ang ilaw at nakita kong bukas na ang aircon. Ay lesheeee!! May kuryente na pala! Napaparanoid na ako.

Dahil sa malamig ay nahikab ako at naka ramdam ng antok. Ipinikit ko ang mata ko at binalak na umiglip nalang.

Sky's POV

Lumabas ako ng room dahil nasusuka ako tumakbo ako sa cr.

"Bakit ba kasi lagi ka nalang umaatake! Leche!"

May sakit ako. Ewan ko kung ano to. Lagi nalang ako nahihilo, ayoko naman pumunta sa ospital dahil galit ako sa mga doctor.

Nung bata ako, namatay si dad. Dahil sa lung cancer. Walang ginawa yung mga doctor para mabuhay ulit si dad.

Simula nun. Nagalit ako sa mga doctors.

Habang naglalakad ako sa hallway nabungo ko si brandon.

Eto nanaman! Yung mayabang a lalaki na mortal kong kaaway.

"ano ba!!?"

Sigaw nya.

"Tarantado ka pala e. Ako sinisigawan mo!!"

sinuntok ko sya sa sikmura. Gumanti naman sya kaso tinamaan ako sa labi.

Shet. Yung maganda kong labi,
Ginantihan ko sya ng suntok sa mukha

Habag nag susuntukan kami, tinamaan nya yung safety box..

Ayun malas nga naman yung mga andun. Nasira namin yun kaya sumabog. Dumating yung teacher at inawat kami.

Eto namang si brandon ayaw pa mag paawat. May sugat sya sa ulo dahil sa pagsabog ng safety box..

"Mag sitigil nga kayo! Nasa school kayo at wala kayo sa ring ng boxing! Ikaw brandon! punta sa principal office!"

Ayun buti nalang ako hindi. Bwisit tong lalaki na to e. Weak naman.

"At ikaw prince! Detention room! NOW! Mga bwisit kayo! Ipapa ayos ko pa to? Anak ako ng magulang nyo!"

huh? Ako detention room naman. Malas, mainit dun sigurado!

habang naglalakad ako papunta sa detention room, naisip ko yung babae kanina.

Oo alam ko na sya yung seatmate ko. Sinadya ko talaga yun. Gusto ko lang syang pagtripan.

Masyadong amazona, mataray, masungit.

Pero bakit ko nga ba sya iniisip?
Pumasok na ako sa detention room. Alam ko na sa 3rd room ako mapapaupo.

Umupo ako sa dulo.
Maya maya. May pumasok na babae kasama yung teacher.

Sa onting liwanag pagka bukas ng pinto nakita ko yung babae.

Teka! Si shine yun ah, bakit kaya? Hahaha.. alam ko na...

Yari ka saakin.. di pa tayo tapos kanina. Ipinahiya mo ako sa harap ng mga chicks ah.

Maya maya lumamig.

"Kuya nasan ka na?"

Lah.. nag sasalita mag isa to ah.
Bigla bumukas yung ilaw. Nakita ko sya.

Di nya siguro alam na may tao pa dito, nakita ko na pinikit nya yung mata nya.

Lumapit ako, tulog na sya.
Ang amo pala ng mukha nito.
Ngayon ko lang na realize na maganda pala sya..

hmmm. Ano kaya pwede kong gawin dito? Para maka bawi ako sa ginawa nya.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon