CHAPTER 6

216 9 0
                                    

Shine's POV

1 oras na pala ako naka tulog. Hindi ko naoansin yung oras.. Tulog nga diba!? Tch.
Tatayo sana ako kaso.. May napansin akong kakaiba.

Tekaa....

Wait...

Hala...

Jusko po..

"BAKIT AKO NAKA TALI!?"

Pasigaw kong sabi. Malakas dahil gulat na gulat talaga ako. Feeling ko ay mamatay na ko. Medyo nangingilid ang luha ko kaya pinaikot ko ang tingin ko at nakita ko yung gunggong na sky na naka tingin sakin naka ngisi.

"hoy!! ikaw ba nag tali saakin *sob"

Hindi ko mapigilan umiyak. Naka ngisi pa sya ah? Akala nya ba masaya? Pwes hindi.
Papatayin nya ba ako? Porket ba naka sagutan ko sya, ganito na yung gagawin nya saakin?! Aba gung-gong nga ang loko.

"Oo bakit may angal?" sabi nya sabay nag cross arm. Loko amp! Pag ako naka wala dito sisiguraduhin kong di sya makakauwi ng walang pasa sa muka. Medyo naiiyak ako kaya napa yuko ako.

"Wag ka nga umiyak! Kala ko ba matapang ka? Duwag ka naman pala. Gusto mo ba pakawalan kita."medyo mahinahaon na mayabang nyang sabi. Tumingin ako ng masama sa kanya.

"Ang sama mo! Nakaka inis ka. Pakawalan mo ako!"

Tumayo sya. Pumunta sya sa harap ko at lumuhod para makapantay nya ako. Tinignan ko lang sya ng masama pero nilapit nya yung muka nya sa muka ko.

"Sa isang kondisyon." ngising ngisi nyang sabi. Kinilabutan ako bigla. Lahat ng balahibo ko yata sa buong katawan ko tumaas.

Tumingin ako sa blouse ko! Pakining shet! naka bukas yung isang butones. Napaisip akong bigla. Loka! Ako pala ng bukas nyan.

Nakoo.. sana naman hindi yun ang iniisip ko

"ano yon? Pakundi kundisyon pa kasi" bulong ko.

lumayo sya pero naka luhod parin. Naka tingin sya sakin at animoy may iniisip. Pero yung itsura nya at nag dadalawang isip kung sasabihin ba nya talaga.

"Gagawin mo yung assignments natin sa science." mahina nyang sabi pero sapat na para marinig ko.

Natawa ako bigla. Dahilan para mapatingin sya sakin na medyo naiinis o naiirita.

"Anong nakakatawa ha!?" Sabi nya saakin. Tumigil ako pero hindi talaga mawala yung tawa ko.

"Alam mo? Gwapo ka sana eh--"

"Inlove ka naman?"

"Wow ha! Kapal. Di pa kasi patapusin sinasabi ko sumasabat agad. Sabi ko gwapo ka sana....... Tamad nga lang WAHAHAHAHA" tawa ako ng tawa habang sya naka tingin sakin ng masama.

"Ayaw mo? Edi iiwan kita dito. Tapos na naman yung oras ko dito sa detention room e. Uwian na kaya at 4 hours na tayo andito. May multo pa naman dito. Ay, oo nga pala transferee ka! May namatay kasi di---"

Ayoko na marinig. Natatakot ako. Uhmm. Takaot ako sa multo. Nadetention din pala sya akala ko ay pinuntahan nya lang ako dito para ganituhin ako.

"Tama na. Natatakot ako, oo na anong oras?"

"Eto yung address namin. Pumunta ka agad." may ibinigay sya saking papel. Doon naka sulat ang adress nila.

Tumayo sya at lalabas na ng bigla ko syang sigawan.

"Hoy! Satingin mo makakapunta ako sa bahay nyo ng naka tali ako! Bobo ka ba!?" nanlaki ang mata nyang Bumalik. Alam kong nainis sya kaya di nalang sya umimik. pumunta sya sa harap ko. At halata mong nairita sya bigla.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon