CHAPTER 15

136 8 0
                                    

Shine's POV

Umaakyat na kami ngayon sa bmm. Inagahan na namin para naman hindi kami abutan ng dilim dito.

nakakatakot lahat ng puno dito, yung iba may hugis.

medyo mabato ang dinadaanan namin ngayon.

"Guys ingat kayo, dito sa part na to maraming nadudulas. Dito din may namatay na babae, nabagok yung ulo." Sabi ni jz.

Tumango kaming lahat except kay sky.

"AHHH!!" napasigaw ako kasi natapilok ako sabay nadulas. Muntikan na talaga ako dun, buti nalang nasalo ako ni jake.

"Sabi ko sayo e. Ingat ka!" Hanggang ngayon hawak hawak nya ako sa likod ko.

Tumayo na kami. "Salamat jake ah, utang ko sayo buhay ko!" Sabi ko. Masakit talaga yung paa ko.

Naupo muna kami kasi hindi ako maka lakad.

"Ikaw pa *kindat basta ikaw walang problema!" Sabi nya saakin.

"Ts.. lampa kasi!" pabulong na sabi ni sky sabay naupo.

"Bumulong ka pa kung narinig ko naman! Wag ka na nga mag parinig prangkahin mo na!" Sabi ko, kung hindi lang ako natapilok kanina pa ako tumayo dito sabay binatukan ko to e!

Pasalamat sya, mabait ako.

"ayus ka lang ba? pano yan?" Sabi ni jane.

"Ahm. Ako na bahala, bubuhatin ko nalang si shine" pag vovolunter ni jake.

Binuhat nya ako ng pa bridal style. Feeling ko unti unti na akong nahuhulog kay jake.

Ngumisi si sky, sabay nauna na. Nakita ko na nagka tinginan si jane at mark.

"Di ka ba nabibigatan?" Tanong ko kay jake, kasi parang pagod na sya..

"Hindi, basta ikaw "

Sabay kindat. May sakit ba to sa mata? Lagi nalang kumikindat e.

malayo layo pa kami sa taas. Hindi na maka pag salita si jake dahil sa hingal na sya.

"guys hinto muna tayo. Hinihingal na ako!"

bumaba na ako, namamaga na yung paa ko. Tinignan ko si jake, bakit parang iba yung hingal nya?

"Huy! Anyari sayo! Kakaiba yung pag hinga mo ah!"

Sabi ni lorene. Hindi lang pala ako naka halata. Maya maya may kinuha si jake sa bulsa nya.

Ano yun? Inhaler? .

"May hika ka!?" Hindi na sya nakapag salita pa, nilagay nya agad sa bibig nya yung inhaler nya. .

Mga ilang minuto kumalma na sya, "oo, pero ayos na ako. " uminom sya ng tubig.

"E!!? Bakit hindi mo sinabi!? Ano ka ba!" Sabi ko, dahil yata saakin to. Nako namannn.

"kahit buhay ko pa ang kapit shine, wag ka lang mahirapan!"

Biglang tumayo si sky sa kinauupuan nya. Pumunta sya sa harap ko, umupo sya kaso naka talikod. .

"Ginagawa mo?" sabi ko.

"Sakay" sabi nya. Anong sakay? Ano papasan ako sa kanya.

"Ayoko nga! Mamaya ihulog mo pa ako ee!!" Sabi ko tumayo sya

"Ikaw na nga tong tinutungan ikaw pa tong maarte! Bahala ka nga dyan, madali lang naman ako kausap e!!" Sabi nya... umalis sya bigla.

"Oo na oo na! Gusto ko na matapos to! Masakit na yung paa ko!" Sabi ko naman no choice na ako e. .

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon