CHAPTER 16

146 9 0
                                    

Shine's POV

8 Na ng gabi di parin kami natutulog. Andito kami ngayon sa rooftop nitong hotel.

"guyss. Alam ko na, mag laro tayo"

Sabi ni mark. Ano nanaman kaya ang laro nito?

"Anong lalaruin natin?" Sabi ko.
"Spin the bottle. Truth or dare."

Sabi naman nya. Mukhang maganda ah.

"Sige game ako dyan!"
"Ako din!"
"Tara!"
"Yoowwnn!"

"Ikaw sky? Sali ka?" Tanong ni jane.

"Sige.." sabi nya. Pumwesto na kami ng pa circle. ..

"Okey. I- spin ko na to."

Sabi ni mark inispin nya na yung bote. Natapat kay zayen at jane.
Si zayen yung mag tatanong,

"truth or dare?"

"Hmm .. dare!"

"Lumakad ka papunta doon, tapos bumalik ka."

Ginawa naman agad yun ni jane.

Sunod na tumapat kay mark at sky. Si mark yung mag tatanong

"Truth or dare?"

"Truth!"

"Kung sa tingin mo, nakita mo na yung babae na para sayo. Anong gusto mong sabihin sa kanya?"

"Hmm.. gusto kong sabihin na..
Wag kang manhid, kasi di mo ako napapansin. Alam ko may isang clue ako na binigay sayo, kaso di mo nahalata. Mahal kita... matagal na, una palang kitang nakita.. sh--"

Bigla sya napatakip sa bibig nya.. sino kaya yun? Sino kaya yung sinasabihan nya. Ang swerte nun ah, pero bakit ko ba tinatanong.

Siguro naiingit lang ako kasi sila may lovelife ako wala.

"Oh, oh, oh. " sabi ni mark.

Bigla kong naalala na naiwan ko yung cellphone ko sa kwarto. Kailngan ko pumunta doon.

Uuwi na kasi si kuya bukas. Sakto bukas na din ang uwi namin..

Tinawagan din ako ni mama kanina.

Ang sabi nya..

"Oh,, shine! Kelan ka ba uuwi bata ka ha! Ilang araw pa kayo dyan!? I told you that doon ka lang sa bahay nyo ni jane. You don't understand me? Are you crazy huh? O baka naman lumalandi ka lang dyan!? Leche! Sa dami dami ng pwedeng maging anak bakit ikaw pa!? sa ayaw at sa gusto mo, uuwi ka na sa bahay!"

Sabay inend nya. Napaiyak nalang ako.

E bakit si kuya? Sa korea pa pumunta? Tapos uuwi pa ako sa bahay namin. Paano si jane?

Bumaba ako at nag stay ako sa kwarto. Nahihirapan pa din ako maglakad kasi masakit pa paa ko e.

Mark's POV

Umalis si shine, akala ko kung anong nangyari naiwan nya lang pala yung cellphone nya. Hinatid ko sya sa kwarto nila shine.

Pagkahatid ko dun, nag paiwan sya, kaya balik ako kaagad sa rooftop.

Bumalik na din pala si jake at lorene.

"Ahm, sky.. usap tayo"

Sabi ko. Gusto ko sya kausapin, may itatanong lang naman ako.

"Ano yun?"

Sabi nya.

"Prangkahan.. may gusto ka ba kay shine!?"

Nagulat sya sa tanong ko.. naibuga pa nga nya sa mukha ko yung tubig.

"Walangya ka! Gago ka! Kadiri ka!"

Sabi ko. Kadiri, halos kalahating baso yun ah? Sa dami dami ng pwedeng bugahan gwapo ko pang mukha?

"Eh! Ako ? Magkakagusto ako sa kanya? Hindi sya yung tinutukoy ko!"

Sabi nya.. kung hindi sya e sino?
Sya lang naman ang lagi nyang kaaway? Ay tanga! Kaaway nga e! Pero sabi nga nila..

The more you hate, the more you love!

"eh, kung ganon.. sino?" Nakakapag taka talaga..
"Si divine... oo sya nga, sya yung tinutukoy ko!" hindi e! Hindi yan ganyan! Kita ko sa mata ko sa nagsisilungaling sya.

"Sky, bestfriend mo ko! Wag ka nga mag sinungaling... sino nga talaga?"

Napabuntong hininga nalang sya.. sabay diretso ng tingin sakin..

"pre, satin lang to! Alam ko loko loko ka! Pero ayusin mo buhay mo pagdating sa mga siktreto ko ha!?" Ngayon ko lang sya nakitanaganyan mag seryoso. Alam ko, loko loko ako pero pagdating sa sikreto alam ko matino ako.

"Pangako pre!"
Huminga ulit sya ng malalim.

"Si .... si...--"

"guys! Si shine!!!!" Biglang sumugaw si lorene.. bakit anong nangyari!!

Tumakbo agad si sky sa kwarto nila, nka sunod lang ako sa kanya. wala si shine sa kama, pumunta si sky sa cr ..

Nakita namin si shine doon nag susuka. Umalis muna ako para tumawag ng doctor. Tatawagan ko nalang si doc. Bernard para pumunta dito,

Sya yung personal doctor ko.

Sky's POV

nakita ko si shine na nagsusuka?
"Hoy butiki! Anong nangyari sayo ha? Ayus ka lang ba? Anong masakit sayo? Anong gusto mo? !?" Tanong ko, bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang natataranta ako at nag aalala sa kanya?

Bigla syang tumawa tapos sumuka ulit.

Tangna, baliw ba to? O baka naman naging zombie na.
Ngayon lang ako nag alala sa babae except kay mom..

"Baliw kana ba!? Nahihirapan ka na nga dyan nagawa mo pang tumawa!?" Sabi ko.. kumuha ako ng tubig sa lamesa namin.

Nakakita ako ng bote ng alak. Hard na alak to ah? Langya.

Bumalik ako sa cr, hanggang ngayon sumusuka padin sya.. binigyan ko sya ng tubig.. agad naman nya kinuha yun at minumog nya tapos dinura nya.

Sa pangalawang inom nya nilunok na nya yun.. unti unti sya kumalma at napayuko.
Tinitignan ko sya, gustong gusto ko sya pagalintan kasi bakit sya inom ng alak. Pero parang habang tinititigan ko sya, lumalambot yung puso ko. Parang nadudurog kapag nakikita ko syang umiiyak.

Tinext ko si mark na wag na tumawag ng doctor kasi ako na bahala. Alam ko ang gagawin. .

tinext ko si jane kung umiinom ba talata tong babaeng to. Buong buhay daw ni shine. Hindi sya naka tikim kahit na patak ng alak.

Maya maya umiyak sya. Baliw na ba to?

"*sob bakit ako nalang palagi!? Bakit ako yung laging mali!? Ang malas ko!!! Ayoko na! Lagi nalang ako yung mali sa mata ni mama!!"

Sabi nya. So, family problem?

"Halika dun tayo sa kama, umayos ka nga shine. Para kang sira!" Sabi ko. Bigla syang tumawa. Ano ba to? Iyak tawa? Ang hirap naman pala talaga unawain yung mga babae!

"Sira talaga ako! Hahaha *sob malas ako e! Sana hindi nalang ako nabuhay!"

Sabi nya.. para talaga 'tong sira! San hindi nabuhay? Gago ba to? ewan ko sayo shine.

Pinanganak ka, para saakin at para hindi sa iba



Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon