a list of do's & dont's on falling in luv

251 5 3
                                    

DO’S AND DON’TS

Ito’y isang listahan kabaliwan lang ng author ng mga do’s and don’ts kapag ikaw ay nasa isang romantic relationship…ewan ko kung makakarelate ang iba pero sana may mapulot silang maganda…heheheh..epekto ng imagination at mga totoong pangyayari. (nakakatawa parang bitter list lang)

1.       Kung bago pa man maging kayo ng magiging boyfriend/girlfriend mo, tiyaking pag nagtatapat siya sa iyo, tingnan mo siya sa mata para matiyak mong nagsasabi siyang totoo at hindi niya tinatago ang totoo niyang nararamdaman para sa iyo, dahil gusto ka lang niyang mapasaya.

2.       Kung naglalakad kayo sa kalsada o sa sidewalk, tiyakin mong ang lalaki ang nasa danger side, para maprotektahan ka sa disgrasya, at hindi mo kailangang ipaalala sa kanya na babae ka at kailangang inaalalayan ka niya.

3.       Kung naglalakad pa din kayo, paano ka ba niya hawakan, HHWW ba kayo, naka-akbay ba siya sa iyo, nakahawak ba siya sa tagiliran mo…iba’t ibang klase ng pag-alalay yan at diyan mo malalaman kung anong pagtingin niya sa iyo.

4.       Kung pupunta kayo sa date, anong unang gagawin niyo…kumain, manood ng sine, maglagalag o magsimba…panalo ka sana kung ang una niyong ginawa eh ang magsimba kase alam mong may takot sa Diyos ang minamahal mong kasama.

5.       Kung magluluto ka para sa mahal mo, tiyaking malayo sa iyo ang salt, baka kase maparami ang lagay mo, umalat ng husto..sayang ang pagkain..baka umalat din ang pagtingin niya sa iyo. Wag din naman masyadong matamis kase baka masobrahan pa din at maumay na siya sa pagkain at pati na din sa iyo.

6.       Kung magkasama kayo, tiyakin mong ang atensiyon niya ay para sa iyo, at hindi lang siya basta text ng text o accept ng accept ng tawag sa kung sinu-sino lalo na sa mga taong dating parte ng buhay niya…’Neng mag-ingat ka na, baka ang puso niya di pa din lubos na sa iyo.

7.       Kung sa tingin mo, nasasakal din naman siya sa iyo, dahil halos sa iyo na iinog ang mundo niya pag kasama mo siya, ipakita mo pa din ok lang na may kausap siyang iba, basta tiyakin niya lang di ka niya ipagpapalit sa iba.

8.       Pero…pero pero…kung isasaalang-alang ang nararamdaman mo, masakit na kasama mo siya pero ang tingin at puso niya ay para sa iba…humanda ka na sa isang malaking heartbreak hija.

9.       If he tells you I love you ng paulit-ulit, ng I miss you na halos mapuno ng ang cellphone mo dahil sa pare-parehong text messages, ingat ka pa din neng…kase mahirap na ngayong paniwalaan iyan, not unless nararamdaman mong ganun talaga siya sa iyo. Masakit kaseng itago yan at paulit-ulit na basahin pag nalulungkot ka tapos ang totoo di naman pala galing sa puso niya ang mga sinabi niya sa iyo.

10.   Don’t tell him” I love you” everyday...bakit? kase baka masyado na siyang mafamiliarize at wala ng maging halaga ang bawat I love you mo, at nakakapagpa-pressure na lang pala sa ‘lolo’ mo.

11.   Don’t, as in don’t look at him too much na parang gusto mong imemorize ang bawat guhit ng mukha ng mahal mo, bakit? Kase kapag nagkahiwalay kayo, mahirap na siyang alisin sa isip mo lalo na sa puso mong halos kabisado ultimo gatla sa kanyang noo. Wag na wag mo siyang titigan habang natutulog siya, kase mahirap siyang mawala sa bawat panaginip mo kapag nagkahiwalay kayo.

12.   Open that communication line…always ask for the honest answer he could give you, then you will know how he really feels for you…if he said he don’t love you anymore or he don’t really love you even before..masakit, pero break it up with him, ano pang saysay ng isang relationship na walang pag-ibig o one-sided lang, ano ito lokohan…mas mabuti pang itigil na lang kaysa maloka ka sa kaka-hope na sana mahal ka niya..

a list of do's & dont's on falling in luvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon