Chapter 0
Ang mga tao ay nagkakagulo noong gabing iyon. Lahat ng mga tauhan ng eskwelahan ay nagkakagulo. Apat na estudyante ang natagpuang walang buhay sa isang sunog na bodega. Ang lahat ay nagtataka kung paano napunta ang apat na estudyante sa lugar na iyon dahil wala ni isang estudyante ang nagtutungo sa nasabing lugar.
( flashback )
.....Kasalukuyang nasusunog ang bodega ng isang eskwelahan. Ang mga guards ng nasabing eskwelahan ang nakatuklas ng sunog habang sila ay nagroronda,lahat ng estudyante ay pinalikas ng mga guro dahil sa takot na maabot ng sunog ang mga building ng mga estudyante. Ang mga guards ay tumawag na ng bumbero at ambulansya for medical assistance. Matapos ang ilang oras ay ideneklara ng fire out ang sunog. Dito rin natagpuan ang katawan ng apat na estudyante na kilalang sophomores ng eskwelahan.
( end of flashback )
Matapos nakuha ng ambulansya ang mga bangkay ay agad na dinala ang mga ito sa morge at ipinaalam na rin sa mga magulang ng mga nasawi ang nangyari.....Pinalabas na aksidente ang pangyayari. Ngunit ito palang pala ang simula ng lahat......

BINABASA MO ANG
Letteral Crime
HorrorIn a school where deliquents, geeks and normal students are in, mysteries are happening. Mysteries that causes death of several students. Mysteries , where the death of the students are according in the ALPHABET LETTERS .. Is it really a MYSTERY or...