Never Been Even (One-shot)

118 6 2
                                    

Nakakainis talaga! Ang sarap ipakain sa buwaya nung echoserang Jess na yun! Kairita. Nakakainis! Nakakainissss!!!! Makipag PDA ba naman kay Jacob sa harap ko? Nakooooo! Parang nanadya eh. Di siya na ang girlfriend, ako na ang nga-nga. Bwesit! Kung wala lang talaga akong hiya sinabunutan ko na yung bruhang yun kanina.

Habang hinihintay yung order kong frappe, nilabas ko na lang muna yung MP3 ko at sinalpak sa tenga yung earphones.

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Pati ba kanta, sumasali sa pang bwebwesit sakin? Ugh. Nakakafrustrate.  

Ay wait nga, ako si Ramirivz Martinez, I know my name sounds boyish but D to the U to the H –  DUH! Sisishin niyo parents ko.

At yang pesteng Jacob na yan, matagal ko ng crush. Eh wala, ewan ko ba. Basta, crush ko siya.

Tapos tong bruhang Jess naman, girlfriend ni Jacob ko. She’s the school head cheerleader, while my Jacob is the captain of our basketball  varsity team. Tss. I know right. Perfect couple,

PERFECT PAGHIWALAYIN.

1 New Message Receive: Aldrindrindring baklita.

Hoy sisteret! Yung walk-out chenes epek mo kanina super obvious. Hahaha. Bruha ka teh! Selos much?

Ang sarap talagang balatan ng buhay tong baklang to gamit ang nail cutter.  Kitang imbyerna na ako kanina mang-aasar pa. Anong klaseng bestfriend yun di ba? Pano ba naman ….

 

Syempre busy kaming lahat, Campus Festival na next week eh kaya kahit sabado double time kami sa pag aayos ng booths dito sa school.

“O..ouch! Babe yung braso ko, na- injure na ata. Help me naman sa pagbubuhat ng armchairs oh. I can’t handle na kasi..”

Narinig ko nanamang nagreklamo yung Jess na yun, saksakan talaga ng arte! Para isang armchair lang hindi pa mabuhat? Duh! Ano siya kinder?

Napa-iling nalang ako sa pagkairita. For sure, tutulongan nanaman yan ng BOYFRIEND niya. Yun pa! Laging to the rescue eh.

Patuloy ako ginagawa ko nung biglaang nagtiliian halos lahat ng mga kasa ko. Pagtingin ko,

WHAT THE HECK?

 

Nagpapabuhat lang ng upuan kanina, ngayon andun na siya sa ibabaw ni Jacob? Wow huh! Ano to, may balak silang gumawa ng milagro, LIVE SHOW?

WOW! Ano to live show huh? C’mon andami pang trabaho! Kayong mga tsismoso dyan, back to work! At kayong dalawa, kung maglalandian lang din kayo better get lost, kuha niyo? Kabwesit!”

Bago ko pa mapigilan, nasabi ko na kaya kinuha ko na lang yung back pack ko at padabog na umalis.

See? Kahit sino naman siguro mababadtrip di ba? Di na nga ako mag kanda ugaga sa trabaho sa school tapos mag lalandian pa sila. Kupal.

-

Never Been EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon