"Losers nga eh!"
"Hahaha tama ka dyan ate!"
"Leigh umalis ka nga dito nawawalan kami ng gana!" Gaya nga ng sinabi ni mama umalis ako, nope, shes not my step mom. Nakakatawa lang dahil kinabog nya pa ang stepmother ni Cinderella kung umasta, pero ayos lang kasi nga "SANAY NA KO" Oayan caps lock para madama nyo.And Im happy with my life, kasi kahit na ganun hindi nya ko pinalaglag ng mga panahon na pinagbubuntis nya palang ako.
"Leigh ang mga pinggan hugasan mo na!" Agad naman akong bumalik sa dining area, at pagdating ko
"Nga pala, wala ng pagkain, bukas ka nalang kumain." At sabay sabay silang lumabas ng dining, nginitian ko nalang sila at tinanguan, sanay na naman ako na walang pagkain, ayos nga din yun para makapagdiet eh hahaha.
Hinugasan ko agad ang mga pinggan at pagtapos ay pumunta na ko sa kwarto ko.
Pagkaupo ko sa kama tyaka ko naramdaman ang pagod.
Gusto kong umiyak pero walang tumutulong luha, gusto kong magsalita pero may kung anong nakabara sa lalamunan ko at ang hirap hirap.
Pumikit ako at humiga.Ang dami kong naiisip, there's a lot of 'what ifs'
What if hindi sila ang ang naging magulang ko?
What if hindi ganito ang trato nila sakin?
What if magpakamatay ako, magkakaron kaya sila ng pake?
What if pantay ang tingin nila samin ng mga kapatid ko.And with that, I just inhale.
****/a months later/
"Kyyaaahhh! Congrats Leigh! Rank one ka!, teka, pupunta ba mama mo? Kasi diba kakausapin sya ni prof dahil ipapasok ka sa scholar?" Nawala ang mga ngiti sa labi ko, oo nga pala kailangan pumunta ang guidance ko para maipasok ako sa scholar pero alam ko naman na haist
"Dani wag ka ngang painosente alam mo naman yung madrama kong buhay hahahaha!" Nginisihan nya lang ako at tumango, buti naman at marunong tong makiramdam si Danica kundi arrgh hahaha.
***********
"Bakit ngayon ka lang?"
"Baka gumala pa ma?" Dugtong ni ate Loisa
"Nagkameeting po kasi, kasi rank 1 ako ma, tyaka pinapatawag ka para mapas-"
Agad ako nahinto at parang nabingi, my mother slapped me. My own mother.Naramdaman ko ang pag-init ng bawat sulok ng mata ko at bawat pagpatak nito sa pisngi
"Buti nga sayo! Nagmamayabang ka kasi akala mo naman matutuwa si mama sayo! Dun ka nga tabi!" Umalis sila ng bahay at iniwan akong nakatulala.
Unti-unti kong hinawakan ang namamaga kong pisngi, I can't believe this, because of my achievements my mother slapped me. Hah, congrats Leigh, congrats.
Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko, unti-unti kong minulat ang mata ko, to saw my mother caress my cheek. She smiled at me.
"Baby Im sorry about that, sorry Im just umm, kasi parang ang naging datin sakin nagmamayabang ka. Sorry talaga. Baby always remember that I love you. No matter what happen I love you." I slightly closed my eyes, then I felt water on my forehead. Is she crying?
Until
*spalsh*
"Gumising kana! Wag kang pumasok ha?! Aalis kami nila mama impakta ka!" It's just a dream. A dream...
I thought, I thought she really do love me.
*kinubukasan
Pumasok ako ng sabog at lutang, ni hindi ko na nagawang suklayin ang buhok ko pagkatapos kong maligo, ang uniform ko muka tuloy akong hinabol ng plantsa, kahapon akala ko totoo na... akala ko hindi panaginip tapos ayun hahaha nakakatawa lang -_- sabagay no choice naman eh kundi itawa ng itawa tsk