Maureen's point of view:
"Ba't ka nga pala napunta dito sa school namin?" tanong ko kay Jake habang pinapagpagan ang upuan sa swing.
Andito kami ngayon sa playground dahil baka sundan daw ako ng mga may gawa nung pangyayari kanina. Feeling action movie star din itong si Jake noh?
"I transfered here a week ago," sabi nito sabay upo sa isa pang upuan ng swing, "gusto kasi ni Dad na mas mapalapit ako sakanya dahil simula nung naghiwalay sila ni Mom, I became distant from him."
"Natuloy pala talaga ang hiwalayan ng Mom at Dad mo? Sorry kung napaalala ko pa tuloy sa'yo."
Ngumiti ito na may bahid ng lungkot, "It's okay. It's almost a year na rin naman since that happened."
"Wait lang ha, punasan ko muna ilong ko, dumugo na kasi ko sa kaconyohan mong lalake ka."
"Hahahaha. Parang hindi ka pa sanay Maureen Guzman," tawa nito sabay sipa sa lupa para mag-swing.
Nagtataka ba kayo sino ang Jake na 'to at bakit biglang sumulpot dito? Ako nga rin mismo ay nagtataka eh.. Joke lang. Si Jake ay isang kaibigan mula sa lugar na aking pinanggalingan. Charot! Parang ang layo layo naman ng pinanggalingan ko. Sige, seryoso na, si Jake ay isang old ultimate crush, oo, parang katulad lang sa situation ko kay Red ngayon. Masaya naman ang buhay ko sa pagnanasa sakanya kaso umabot sa point na nagsawa na ako sakanya, kaya friends nalang kami ngayon. O diba, may ganoon! Parang mag-ex lang.
Naaalala nyo pa ba nung inutusan ako ng pinakamamahal ko este ni Red na pabilhin ng frappe? Diba ang bilis ko nakabalik nun? Dahil yun kay Jake. Ang hilig niyang sumulpot sa buhay ko noh? may tracker siguro ang lalakeng 'to sa akin.
(Flashback)
"Hey Maureen Guzman!"
Lumingon lingon ako sa paligid kaso wala namang tao. Hindi rin naman madilim ang lugar kaya kita mo agad kung may nagtatago man. Sino kaya yung tumatawag sa'kin? Ang creepy naman! Huhuhu.
"Uy, Maureen Guzman! Snob naman!"
Dali-dali akong naglakad dahil baka bigla akong hatakin at i-rape. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. O, Diyos naming maawain, tulungan nyo po ako.
"Ahhhhh!" tili ko nang may humawak sa aking braso at pigilan ako sa paglalakad.
"Shhh!" saway nito sa akin, "Don't be afraid, Maureen Guzman," sabi nito. Unti-unti ko namang dinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang nakangiting Jake. Ang gwapo gwapo talaga pero mas gwapo pa rin ang Red ko. Kung ma-"ko", parang kami lang.
"Jake?! Anong ginagawa mo rito?" sabi ko sabay hampas dito, "Gago ka! Akala ko mare-rape na ako!"
"Hahahaha are you kidding me?"
"Baliw ka talaga!" hinampas hampas ko siya ng mas harsh, "Gumanda na ako noh!"
"HAHAHAHAHAHA!" oo guys, overjoyed na ang ating friend na si Jake. Maluha-luha na nga siya eh.
"Tss. Bahala ka na nga diyan," nagsimula na akong maglakad palayo sakanya nang bigla na naman niya akong pigilan.
"Ang pikon mo Maureen Guzman," sabi nito na halatang nagpipigil ng tawa, "Where are you going? You seemed to be in a hurry."
"Starbucks."
"The nearest Starbucks is a kilometer away, bakit di ka nalang nagtaxi?"
"More chances of getting raped eh."
And yes, nagsimula na namang mamula ang mukha niya. Pilit niyang pinipigil ang kanyang tawa kaya kinagat nalang niya ang kanyang labi.
Shet. Ang sexy.
BINABASA MO ANG
Saving Her
Teen FictionRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...