Suddenly

45 3 2
                                    

Habang tinatanaw ko siya mula dito sa ikalawang palapag ng aming paaralan, naiisip ko yung mga nangyari noon.

Nalulungkot ako kasi parang ipinapakita niya sa akin na kaya na niyang mag-isa, nang wala ako.

Parang ipinaparamdam niya sa 'kin na ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

Nagi-guilty tuloy ako.

Sabi ng mga kaklase ko na hindi naman daw ako ang may kasalanan kasi kung hindi raw siya sumama sa mga masasamang tao rito sa aming paaralan, hindi raw siya nagkakaganito ngayon.

Pero, hindi eh! May kung ano sa rin sa damdamin ko na nagsasabing

"hindi, ikaw ang may kasalanan!"

Hay. Naiiyak na naman ako.

Pumasok na ako sa aming silid-aralan, pumunta sa aking upuan, yumuko, at doon tahimik akong umiyak.

Walang nakakapansin... Akala ko lang pala iyon.

"o panyo, punasan mo 'yang luha mo."

kinuha ko 'yung panyo dahil puro luha na ang aking mukha.

"Salamat."

"Alam mo para hindi ka na umiyak pang muli, kausapin mo na siya."

Naghihintayan lang kayo na magpansinan!"

"Pero hindi pa ako handa!"

"Hindi ka pa handa o natatakot ka na hindi ka niya pansinin?"

Natauhan ako sa sinabi n'ya kaya napaisip ako.

Ano nga ba talaga, hindi pa ba ako handa o natatakot lang ako na hindi niya pansinin?

"Pagisipan mo."

Tinapik n'ya ako sa balikat at lumayo na.

Mag-isa na lang ulit ako. Iniyuko ko nalang ang aking ulo at nag-isip kung papaano ko siya kakausapin.  

Uwian na. Kinakabahan ako.

Narito ako ngayon sa labas ng aming paaralan, hinihintay s'yang lumabas para masabi ko na sa kanya.

Hindi ako mapakali habang hinihintay ko siya.

Tinanaw ko ang loob ng aming paaralan upang nakita siya at eksaktong papalapit na siya.

Bumilis bigla ang tibok ng aking puso.

Magtago ako sa gilid upang hindi niya ako makita.

Malapit na s'ya dahil naririnig ko na ang boses niya.

Yumuko ako, pumikit at nagbilang. Isa...Dalawa...Tatlo.

Iminulat ko nang marahan ang aking mata.

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang kanyang boses at nakita ko siyang nakatingin sa akin, ngunit iniiwas n'ya rin ito kaagad.

Hindi ko namalayan na may tao na pala sa tabi ko.

"Lapitan mo na siya bago pa siya makaalis."

"Pero, kinakabahan ako."

"Kayanin mo."

Yumuko ako at naglakad papunta sa kanya.

Kinakabit ko siya nang makarating ako sa likod niya.

Lumingon s'ya sa akin at nagtanong

"bakit?"

"pwede ba tayong mag-usap?"

"hindi pwede, may gagawin pa kami."

Pagkatapos noon, tinalikuran na n'ya ako at tuluyan nang umalis.

Yumuko ako at nagsimula na muling maglakad patungo sa kinatatayuan ko kanina.

Umiiyak ako habang naglalakad, ang sakit kasi na baliwalain ng dati mong matalik na kaibigan.

"AKIRA!"

May narinig akong tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko ito ngunit paglingon ko...

Nabangga ako ng isang mabilis na sasakyan at humandusay nalang ako.

May sumigaw ulit pero hindi na ito masyadong malinaw.

Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, nahagip ng mata ko si Dan na nakangiti ng makahulugan at tuluyan na akong nawalan ng malay.

it...

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon