JULIA’s POV
“We would like to acknowledge the arrival of The Philippine Consulate Ambassador, Mr. Nicanor Montes, with his wife, Mrs. Myrna Montes and their daughter, Lady Julia.” Nadinig kong announcement pagdating namin sa entrance ng ‘Great Hall’ ng palasyo.
Ngayon pa lang nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba at kahit na napakalamig naman sana ng Aircon pero pinagpapawisan ako sa nerbyos. Una sa lahat, first time ko umattend ng event sa palasyo dahil hindi naman ako sinasama ng parents ko sa mga activities nila. Gusto nila magfocus ako sa pag-aaral ko and besides, delikado daw para sa isang ‘bata’ na kasama sa mga public at governmental activities na hindi naman ako kailangan. Baka daw may mga plans ng coup d’état or something, madamay pa ko. Pangalawa, hindi ako comfortable sa damit ko. Pang prinsesa! Mas gusto ko pa naman jeans at tshirt lang with matching rubber shoes, pero ngayon kailangan ko magpaimress at ibagay ang attire ko sa event. Kasama na dun ang pagsuot ng high heels na ilang beses ko pinractice para di ako natatapilok maglakad! Pangatlo, sino ba naman hindi kakabahan kung tutugtog ka sa harap ng mraming tao, televised pa, at mga matataas at maimpluwensyang tao pa ha! Not to mention parang makakasabayan ko pa mga royal personalities with same age as mine… mapansin kaya ako ng prinsipe? Sana lang wag akong pumalpak at makisama na lang sakin yung violin ko na tinalian ko ng scotch tape pra magamit ko pa…dito pa lang gusto ko na yata lumubog sa kinalalagyan ko…hindi alam ng parents ko na sira ang violin ko at bahala na kung mapahiya kami or anuman.
“Anak, relax… hindi ka naman ikukulong kung sumablay ka sa performance mo.” Bulong ni Mama habang naglalakad kami papunta sa table na nakareserve for us. Napangiti na lang ako at nagpretend na chillax mode na ko para di na sya mag-alala.
Sunud sunod na dumating ang mga guests at nang isara na ang pinto sa hall, huminto na din ang orchestra sa pagtugtog nila at nagpapasalamat ako dun dahil inaantok ako sa mala-kundiman nilang instrumental piece.
Ngayon nga pala, first time din haharap ng Prince sa media to officially announce na magsstart na siyang unti-unting makisali sa mga affairs ng Royal family sa pamamahala sa Germany. Ito din yata daw yung isang way to remind every ladies na formally allowed na siya to date. Ang weird noh? Parang fairytale lang na madaming kaartehan…kailangan talaga announced kung kelan ka allowed mkipagdate hehehe buti na lang di ako naging prinsesa! Pero kung magugustuhan ako ni Prince Daniel John, why not, coconut?!
‘Okay, stop na Julia masyado ka nang masaya jan sa pangangarap mo!’I mentally scolded myself nung manotice ko na nangangarap na pala ko na nagsasayaw kaming dalawa ng prinsipe in a sweet and romantic music…Cinderella ang peg! Fave fairytale ko pa naman yun awww!
“Your Royal Highness, Queen Mara and King Daniel, with Prince Daniel John II” Nagsitayo ang lahat sa kinauupuan nang dumating na ang Royal Family. Isang masigabong palakpakan syempre!
“Shucks! Ayan na siya!” Di ko maiwasang mapasabi ng malakas sa kilig kahit di ko pa naman talaga nakikita si Prince Daniel John.
“Julia, please, act like a lady…kahit ngayon lang ha.” Paalala naman ng Papa ko pero pabiro lang. Alam niya kasi na boyish ako at natutuwa siya na nagpapakadalaga ako pag dating kay Prince…
“Kay Queen Mara ka namin ipinangalan, Julia…dati kasi nasa Pilipinas siya, Julia yung pangalan na ginamit niya.” Hindi ko alam kung bakit laging sinasabi ni Mama sakin yun. Pang isang libong beses na yata…minsan naisip ko, siguro gusto niya sabihin talaga sakin na ipinangalan ako sa isang QUEEN kaya dapat ang kilos at salita ko parang Reyna hindi HARI! Masyado lang akong mahal nila Mama at Papa kaya siguro di nila ko dinidiretsa at binibiro na lang lagi when it comes to my behavior… Pero lately mejo dumadalas ang pagpansin nila when it comes to my ‘modesty’.
BINABASA MO ANG
Pasaway Pa Rin - Royal Trouble (Pasaway Ka! Book 2)
FanfictionYears after German Monarchy is restored, nahaharap nanaman sa panganib ang Royal Family. Planong agawin ng isang Duke ang korona mula kay Queen Mara at King Daniel. Kung nagawa nilang patayin ang na sa trono, magagawa naman kayang tumakas ni Crown P...