Bagamat tumatagal lamang ng saglit
Alaala nito'y hindi mawawaglit,
'Pagkat ko at pagdadalamhati
Napapawi ng 'yong labing nakangiti.
Kapangyarihan man kung ito'y ituring
Ito'y nagdadagdag sa mukhang maningning,
At 'pag nand'yan ka ako'y napapanganga
Dugdug ng puso ko'y grabe na talaga!
Isang ngiti mo lang, hay naku! D'yos ko po!
Laging natutulala at napapa "oh"
Minsan pa nga'y napapa Ow Em Dyi ako!
Baka enetaym malaglag ang puso ko.
Sana nama'y napapansin mo rin ako
Naiinlab ako sa bawat ngiti mo,
Sa 'yong ngiti nagsimula ang tama ko!
Tama ng pana na galing kay Kupido!