Chapter 1
RHEIGH'S POV
"Uy Blade, punta tayo Sm!" Pag aaya ko sa kanya
"ayoko muna. Gagawin ko pa yung project natin kay Sir Domingo eh" aish sayang naman.Napasimangot tuloy ako
"Oh? bat ganyan muka mo? ampanget mo" sabay tulak nya sa muka ko tapos inirapan ako. Mga babae talaga di ko minsan magets mood nila
"Sino kaya mas panget satin huh? gwapo ko kaya! May abs pa" pag yayabang ko sabay kindat sa kanya.Nasira na naman ang maganda nyang muka ng tumingin sya ng mailap sakin
"Ikaw? gwapo? ikaw? may abs? asa!" sagot naman nya sabay lakad palabas ng room matapos nyang ayusin mga gamit nya. Dalawa nalang kase kaming naiwan dito sa room. Mag ka klase pala kame. Grade 10 student.
"Sus kunyari ka pa! gusto mo makita? hahaha" pang aasar ko habang sinusundan sya pero natigilan ako ng may mapansin ako sa palda nya. Dugo.
"Blad-"
"Ako tigil tigilan mo munang bakla ka ha! mainit ang ulo ko ngayon!" sigaw nya sakin pagka harap nya.Bakit ganun? kahit para na syang dragon sa galit maganda parin sya sa paningin ko
"Baliw" lumapit ako sa kanya sabay akbay "may tagos ka" bulong ko sa kanya. Nakita ko namang nanlaki ang mata nya kaya natawa ako ng mahina
"W-we? dinga? meron?" nanlalaking matang tanong nya sakin
"Oo nga meron" sagot ko
"Halaaa... Rheigh pwede favor? ibili mo naman ako ng napkin sa school supplies store please" sya
"Ayoko nga! ako ba may reg-" naputol ang sasabihin ko ng tinakpan nya yung bibig ko hahaha
"Sige na kase Rheigh please?" Pag mamaka awa nya sakin. Muntanga lang hahaha as if naman hahayaan ko syang ganyan
BLADE'S POV
"Sige na kase Rheigh please?" lintek na lalaki to! Waaaaahhhh ayokong lumabas ng ganito
"Oh akin na pera" nilahad naman nya yung kamay nya na nag aantay ng pera! T_T seriously? grabe wala akong masabe! Kumuha ako ng 10 pesos sa bulsa ko tapos binigay sa kanya
"Dalian mong bakla ka ha! kelangan ko yan" pag papa alala ko pa sa kanya
"Aba makabakla ka dyan ah, baka gusto mong ha-" naputol ulit ang sasabihin nya
"RHEIIGGGGHHHHHH MATTHEWWWWWWW! PAKIDALIAN NAMAN POOOOO" Sigaw ko sa kanya tapos tumawa sya -__- oo tumawa sya sabay takbo palabas ng room. Bakit ko nga ba sya naging bestfriend? baliw talaga
RHEIGH'S POV
"Ate ganda, pabili pong napkin" ako
"Huh? i-ikaw gagamit?" nanlalaking matang tanong nya sakin
"Tingin mo po may perlas ako gaya ng inyo?" kabadtrip -__-
"Ay hehe para kanino ba yan?" sya na halata ko namang nag papa cute sakin
"Sa kapatid ko po ate ganda. Kelangan nya na talaga eh nag mamadali nga ako eh" ako Bigla naman syang pumunta sa may estante at kinuha ang box ng napkin. dumakot sya ng mga apat? o limang piraso? ah ewan basta nilagay nya lang sa plastic tapos binigay saken
"Eh magkano naman po ito? ang dami" ako
"Libre na yan! pogi ka naman eh" sya sabay kagat ng labi nya. Pabebe hahaha "Ah ganun? sige salamat po.Oo pogi talaga ako" sabay takbo ko papuntang second floor. Pumasok ako at nakitang nakatayo parin si Blade kung san ko sya iniwan. Di ba sya nangawit?
"Oh ayan na" abot ko sa kanya nung isang plastic ng napkin tapos tiningnan nya yung laman"bakit ang dami neto?" sya
"Nilibre ako nung tindera"
"Bakit naman?"
"Ewan ko. sabi nya pogi daw kase ako"
"Aish ewan ko sayo! hintayin moko dito, papalit lang ako sa Cr"
Lumabas na sya at nag cr. Pagka lipas ng 10 minutes ay nakabalik na sya at hinatid ko na sya sa bahay nila.