Chapter 29

5.3K 145 4
                                    



"Hon, hindi ka pa ba matutulog?" tanong sa akin ni Chris habang nakaupo ito sa kama habang ako nandito sa work desk niya at naghahanap ng mga investors na pwedeng makatulong sa company.

Napahawak ako sa sentido ko. Feeling ko masyado akong naiistress this past few days. Palagi akong puyat nitong mga nakaraang gabi. Our company is in big trouble now. Hindi ko alam kung paano at ano ang nangyari pero biglang nag-alisan ng mga shares ang iba naming investors. Dahil doon nagkaroon ng malaking problema sa kompanya. We need to find some clients and major investors para mag-invest sa amin as soon as possible or else our company will come to bankruptcy.

"A-ah, eh... Mauna ka ng matulog, hon. Tatapusin ko lang tong ibang office works ko." Sagot ko kay Chris.

Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kompanya. Desisyon kong wag ipaalam rito ang mga problemang kinakaharap ngayon ng kompanya dahil hindi siya pwedeng mag-isip at baka ma-stress pa siya which is not good for his health right now. Specially ngayong unti-unti na siyang gumagaling at nakakakita.

Ayoko ring mapahiya sa kanya. He trust me to be his substitute pero anong nangyari sa kompanya? Tama nga yata ang sinasabi ng iba. I'm not capable of handling our company.

Maging si Ate Margaux ay sobrang disappointed sa'kin. Alam ko, although wala siyang binabanggit sa kin. Nahihiya ako sa kanila ni papa pati na rin sa mga biyenan ko. Buti na lang at nasabi ko sa kanilang huwag ng ipaalam pa ang bagay na ito kay Chris.

"Ilang gabi ka ng nagpupuyat, ha? Maghapon ka ng nagtratrabaho sa kompanya tapos pati dito sa bahay nagtratrabaho ka pa rin. You should rest now." may himig ng pag-aalala ang boses nito.

"I'm sorry, hon.. Marami lang kasi talaga akong kailangang tapusin ngayon. Sige na, matulog ka na... hmmm? Don't worry, I'm okay." napahilot ako sa aking sintido.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Okay, just promise me na matutulog ka na rin agad mamaya." anito.

"Yup. I love you... Goodnight." saad ko ng hindi tumitingin rito.

"Goodnight. I love you, too." sagot nito bago tuluyan ng nahiga.

Lumipas pa ang ilang oras sa kakacontact ko sa mga ilang investors. Pumayag naman silang makipagmeet sa akin at subukang pag-aralan ang pag invest nila sa amin.Kung mapapapayag ko sila ay makakatulong na ito sa pagbangon ng kompanya pero hindi pa rin iyon sapat! Mga minor investors lang sila and we need major investment!

Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kahahanap ng major investor. Sinubukan kong pakiusapan ang dati naming mga investors but they just turn me down and they're not even giving me enough reason kung bakit sila umalis sa kompanya. They just said na nakahanap sila ng mas qualified sa standard nila! How great, right?

...

"Mrs. Alegria, you should do something!  We need to find major investor as soon as possible or else we will force to pull out our investment too!" bulalas ng isa.

Narito kami ngayon sa conference room at nag-uusap ng mga pwedeng solusyon. Hindi lang ulo ko ang sumasakit kundi pati na rin ang ego ko. Pinapamukha nilang kasalanan ko ang lahat ng nangyayari ngayon sa kompanya!

"I'm trying my very best to find major investor as best as I can. So far wala pa, pero may imimeet akong ilang minor investors and I'm confident na maidedeal ko ang proposal sa kanila." paliwanag ko.

"But we need major not minor! If Mr. Alegria would just be here maagapan niya sana ang mga problemang ito!" sabad naman ng isang board member. Ang ilan naman ay nagtanguan at sumang-ayon sa sinabi nito.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon