My Unexpected loveJust got home here in Philippines!
By the way, I'm working as an artist/actress in Paris. Well hindi naman ako maarte para hindi magsalita ng tagalog lol
Nakasakay nako ngayon dito sa Kotse, sinundo ako dito sa airport, syempre mahirap na baka pagkaguluhan ako, Osige isipin niyo ng feeler ako pero hindi ako, Okay?
Super tinted nga ng kotseng to e, para hindi mahalata na ako ang nakasakay.
Nakasilip ako sa bintana ng biglang magvibrate ang phone na nasa tabihan ko lang, kinuha ko at binasa ang message
From : Mama
"Nadya, Anong oras ka makakauwi dito anak? Excited na kami ni papa mo na makita ka uli. Magiingat ha"
Pagkabasa ko noon, parang hindi ko na mapigilang maexcite din na makauwi miss ko nadin sila, its been almost 2 years since umalis ako, Skype o Facebook lang ang communication namin.
I decided to go to Paris, because i want to be a succesful actress, Well pwede naman dito sa Pilipinas pero, sa Paris kase they call me to come there. So mas pinili ko na doon.
Nagpark nayung kotse sa may bahay namin, Nakatira kami sa may Village.
Kumaripas ako ng baba ng tuluyan nang makapark ang kotse.
"MA! PA!" Sigaw ko sa labas ng bahay at abot hanggang outer space ang laki ng ngiti ko
Paglabas nila, tumakbo ako papalapit sakanila at niyakap ko sila ng mahigpit na mahigpit yung para bang wala nang bukas. Miss ko talaga sila.
"Hala o, ang ganda ng anak ko" Sabi ni papa sakin
"Pa! Mana ako sayo hindi ba?"
"Manang maganda anak? GWAPO anak GWAPO ang tatay mo"
Nagtawanan nalang kami at tuluyan ng pumasok sa bahay.
Tinulungan din ako ni papa na iakyat ang maleta ko sa kwarto ko. Ang haba ng biyahe ko. Pagod na pagod ako, I wanna sleep.
"Pa, Pasabi po kay mama na papahinga lang po ako, sorry talaga pa. Pagod lang po sa byahe"
"Ano kaba anak, Oo sige at magpahinga ka muna, Naiintindihan naman namin"
Pagkatapos lumabas ni papa sa kwarto ko ay dumapa nako sa kama ko at sinimulan ng matulog.
-
Naalimpungatan ako, Tinignan ko ang phone ko, Napabalikwas ako ng higa ng makita ko text, missed calls ng manager ko, Hala lagot talaga
Dinial ko agad number ng manager ko si Ate trisha.
**Ring ringg**
Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na din niya.
"Ate, hello, sorry ate nakatulog ako" Pagpapaliwanag ko kay ate trisha, close naman na kami eh so i can call her ate nalang
"Ganun ba? So it means naka uwi kana?"
"Oo ate, Kaninang 7pm"