Matapos sa reception ay tumuloy na sila sa bahay. Tumuloy sa home office sina Lito at Gilbert tulad ng dati, inaayos nila ang ilang dokumentong kailangan para sa iba't-ibang transaksiyon ni Gilbert.
"By the way Tolits, tomorrow, rush the registered copy of our marriage contract and produce more copies." Si Gilbert, noon ay nakaupo sa swivel chair at isa-isang tinitingnan ang ilang dokumentong inabot sa kanya ni Lito.
"Yes boss."
"Once you had the contract, go directly to that man's house with a check and immediately report to me his feedbacks."
"Okay Boss."
Nang matapos sila ni Lito sa mga gawain at nakapagpaalam na si Lito sa kanya, tinungo niya ang pintong katabi ng kanya kuwarto, ito kasi ang binilin niya kay Martha na tutuluyan ni Maricon. Nakatatlong katok saka siya pumasok, nadatnan niyang mula sa beranda ng kuwartong inokupa nito, tinatanaw ni Maricon ang maliliwanag na ilaw sa siyudad. Palibhasa'y malalim ang iniisip ni Maricon kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ni Gilbert.
"Same old problem I guess," pabuntong hiningang sabi ni Gilbert at nakitanaw ito sa tinatanaw ni Maricon. "You aren't fine?" Dugtong pa.
Tinapunan siya ng tingin ni Maricon at pabuntung hiningang ibinalik ang tingin sa dati.
"Ayoko sanang isiping hindi pa tapos ang lahat matapos ang ginawa nating pagpapakasal. Pakiramdam ko ay mas lalo akong natakot ngayon sa maaaring mangyari," wika nito.
"You are already married, and being afraid of hooking up with that old monster won't happen ever."
"Alam ko, pero baka sa galit niya ay tuluyan ng mawala ang negosyo ng aming pamilya. If that happened, I will never forgive myself. Perhaps the effects of all these things are just only saving myself, but not the company."
"Ever since I've got engaged in any business deal, I see to it that I gave a fair and square benefit. Since we started it out, I don't want to end it unsolved. I make it sure that the favor is on our side."
"What if not," nag-aalalang tanong ni Maricon saka bumaling kay Gilbert.
"I hope you stop the angst and just trust me," nakangiting paniniyak ni Gilbert.
Kahit papaano ay naglubag ang loob ni Maricon at pinilit na panghawakan ang mga salita ni Gilbert.
Alanganin niyang ipinatong ang kamay sa kamay ni Gilbert na nakahawak sa bakal ng railings, tumingin sa kanya si Gilbert.
"Thank you for being there kahit na ibang tao ako pinagmamalasakitan mo ako, kahit pa sabihin mong may pakinabang ka rin sa ginagawa mong tulong sakin, iba parin ang nagagawa mo. Kahit papano ay napaglulubag mo ang kalooban ko at nawawala ang pagka-hopeless ko. At the same time nabibigyan mo ng katwiran ang lahat ng nangyayari. Thanks for being my hero," sinserong wika ni Maricon.
Tinapik-tapik ni Gilbert ng isang kamay niya ang nakahawak na kamay ni Maricon saka ngumiti.
"You know what, you're just looking for life as serious as it is. And it seems everything is a burden to you. You are always worrying for nothing."
Humugot ng buntong hininga si Maricon at muling tumingin sa malayo.
"Gusto ko sanang piliting hindi ko seryosohin ang lahat ng nangyayari sa akin pero hindi ko magawa. Perhaps, wala kasi akong alam na susuporta sa akin dahil wala na akong pamilyang masasandalan."
BINABASA MO ANG
Mr. Businessman ( Published)
RomanceShe was suffering as debt creditor until a cold-hearted young and handsome businessman offers her a short term marriage for convenience deal to benefits both parties. After the deal ends, she lives her life normal. But when she is about to settle h...