Chapter 1

8 0 0
                                    

Skylar's POV

2014

"Uy beh ang gwapo kamoooooo" sabi ni Trix at Aya. Ang hamak kong mga bestfriend na mahilig sa kpop kuno. Kpopanget naman.

"Ano nanaman ba yan? Yang mga asawa niyo nanaman? Ha? Tigil tigilan niyo ako sa kaharutan niyo. Wala akong panahon para sa ganyan" sabi ko sa kanila.

"Tss. Taray. Bakit ba ayaw mo sa kanila?" Tanong sakin ni Aya.

"Wala lang" tugon ko naman.

"Wala naman pala e. Ay Sky try mo icheck yung EXO" sabi ni Trix.

"Ayoko. Wala naman akong mapapala diyan"

"Tss bahala ka nga diyan. Oy una na kami ha" sabi nilang dalawa.

Hayysss. Mabuti naman. Wala ng manggugulo sakin.

Magrereview pa pala ako. Ay teka kailan pa naging uso sakin yun? Ay jusko. Pero kailangan ko talaga. Graduating ako halerr. Graduating ng elementary.

----------------

"Sky!" Tawag sakin ni Aya.

"O bakit Aya?"

"Samahan moko mamaya!"

"Ayoko."

"Eh sige naaa! Dun lang tayo sa kpop store"

"Eh bakit hindi si Trix ang isama mo?"

"May ginagawa raw siya e. Sige naaaaaa"

Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad papalayo sa kaibigan kong baliw na baliw sa mga koryanong iyon. Wala akong panahon sa kpop kuno na yan.

"Hyah!"

Hindi ko na siya pinansin. Bahala siya diyan.


Pagkauwi ko sa bahay dumeretso agad ako sa taas, sa kwarto ko. Hindi po ko magrereview. Magcecellphone lang hehe. Katamad.

So eto ako nagcecellphone. Naalala ko yung sinabi ni Trix sakin.Sa sobrang curious ko na rin. Yung EJO bayun ? EJO? EXO? X.O? Candy ba yun? Tangina sabihin niyo.

So hinanap ko sa facebook. Kahit di ko alam yung spelling. Oo sa facebook. Katamad sa google e.

At jusme. Alam nyo kung ano yung lumabas?

X.O coffee candy.

X.O caramel.

-_-

Anong gagawin ko sa candy? Candy ba yung tinutukoy ni Trix? Jusme. Di ko rin alam e.

Nagscroll down nalang ako.

Hanggang sa nakita ko yung mga koryano.

So clinick ko yung page.

Pagkaclick ko.

Pffft HAHAHAHAHAHAHA

Eww jusko ang jeje ng suot nila. Ano to? Ang luwag ng shorts? Parang yung mga nandun sa kanto malapit sa tindahan nila Aling Sally.

Pero infairness, mas mukha naman silang tao kahit ganto yung porma nila.

Pero ang jeje pa rin!

Ang dami rin nila.

12?

Oo 12.

Kpop group sila na kumakanta at sumasayaw diba?

Nagkakasya pa kaya sila sa camera?

Kawawa naman sponsor nila ng gamit Hahahah.

Nang matapos ko nang tignan yung page bumalik na ako sa newsfeed ko. Nothing's special about them.

Maputi lang sila. Pero di sila gwapo. Dont get me wrong :<










***********************

Guys dont bash me 😂 HAHAHAHA Kay Skylar po kayo magalit. Hehe sorreh Skylar. Author is a kpop fan too. So please dont bash me ㅠ.ㅠ /nibash;

Overdoze era nga pala yun.

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon