ANGEL's POV
My name is Angel Claire Gonzales. I'm 18 years old. 3rd year college at Eu Yra University (YuIhra-pronounciation)
"Angel,anak? Bakit di ka pa natutulog? Alas dos na ng madaling araw." Sabi ng mama ko.
"Ma naman di na po ako bata. Eh ikaw ma? Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya dahil bigla bigla na lang pumasok sa kwarto ko e dapat tulog na to si mama.
"Nagising lang ako kasi nauuhaw ako." Sabi ni mama at kinuha ang suklay na nasa table na katabi ng kama ko.
"Mama. Asan kaya si Papa no? Mahal kaya nya tayo? Bakit nya kaya tayo iniwan?" Sunod sunod na tanong ko kay mama.
Tumikhim si mama bago sya nagsalita.
"Hindi ko alam anak. Wag na natin siyang pag usapan. Matulog na tayo maaga pa ko bukas." Sabi ni mama at hinalikan ako sa noo at itinabi na ang suklay ko sa table. Tumayo na si mama at maglalakad na sanang palabas sa aking kwarto ngunit tinawag ko siya.
"Ma." Tawag ko sa kanya.
"Uhm?" Tugon nito at nilingon ako.
"I love you ma! Okay lang sakin na wala akong Papa basta nasa akin ka." Sabi ko at sabay takbo papalapit kay mama at binigyan ko siya ng matamis na halik sa kanang pisngi nya.
"I love you too anak." Tugon nito at lumabas na ng kwarto ko.
Bumalik na ko sa higaan ko upang mahiga.
Haaaay. Makatulog na nga! 2:44 na pala. Makapagpray nga muna. Pagkatapos kong magpray ay nakatulog na ko.
~
4 hours later
Tik tak tik tak kriiiiing
Syeeet. Anubayan! Istorbo naman. I look at my alarm clock.
Ay isdang pinapak!!! 6:44 na!!! At 8 ang klase ko syete! Traffic pa naman. Dali dali akong bumangon at naligo, nagbihis, nagtoothbrush.
After 30minutes natapos din ako. 7:14 na nung natapos ako.
Lumabas na ako ng kwarto ko at tinungo ko ang kwarto ni mama. Pagbukas ko ng pinto ay wala si mama. Baka pumasok na sa trabaho nya. Siya ay isang event organizer kaya minsan paiba iba ang schedule ng pasok nya.
Bumaba na ko ng hagdan upang kumuha ng sandwich na ginawa ni mama para sakin, kapag kasi di kami nagkakasabay ng schedule ng pasok ay naghahanda ito ng sandwich o di kaya'y sinangag, itlog at bacon si Mama. Di kami mayaman pero kaya naman namin kumain ng tatlong beses sa isang araw. Pagkababa ko ay kumuha ako ng tupperware na babaunan ko ng kanin para di na ko gumastos. Nagtimpla ako ng gatas habang inaayos ko ang babaunin kong pagkain habang umiinom ng gatas at inaayos ko ang baon ko ay kumakagat ako ng sandwich. Nang matapos ako ay dali dali akong lumabas ng bahay. At sakto! May dumaang tricycle agad.
"San ka?" Tanong ni Manong.
"Sa kanto lang." Sabi ko, kainis malelate na ko!!!
Nung makarating kami sa kanto ay nagbayad na ako ng otso pesos. 7:30 na jusko! Agad akong pumara ng taxi.
"Manong sa Eu Yra University po." Sabi ko sa driver gamit ang bintana. Tumango si manong. Ngunit nagulat ako ng may nagbukas ng pinto sa passenger seat ng taxi. Agad ko naman binulyawan dahil nakakabastos siya.
"Hoy! Ate! Ako ang nauna!" Sigaw ko.
Napahinto sya sa pagpasok. At tinaasan ako ng kilay. Grabe kapal ng mukha.
"Eh ano? Nabili mo ba to?" Pataray na sabi nya.
Aba! Sinusubukan ako neto ha!
"E ang kapal din pala ng mukha mo no? May taga para ka ng taxi, ganon? Kaya hindi umuunlad pilipinas dahil sa ganyang ugali mo! Puro panlalamang! Alis! Kung ayaw mong tanggalin ko yang kilay mo!" Malakas na sigaw ko sa babaeng ito na naging dahilan ng pagbigay atensyon sa amin ng mga tao. Mukhang nahiya nman si ate kaya umalis na ngunit masama ang tingin nito sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Manong larga na late na ko." Sabi ko sa driver pagkapasok ko ng taxi. Tumango lang si manong.
Around 7:55 ay nasa gate na ko! Syet 5minutes na lang. Omygosh.
YOU ARE READING
Unexpected Partner Turns Into A Lover
Teen FictionMaari bang mapunta sa pagmamahalan ang pagiging partner ng lalaking biglang nanghila sa kanya? Dito na ba sya muling iibig? O kagagalitan nya ito? Tunghayan ang kwento ng isang Soon-To-Be Businessman ng Tee Company at ang Maldita ng Yu Company~