Prologue

3 0 0
                                    

Alas dos na ng umaga pero hindi pa rin ako natutulog. Paano ba naman? Death anniversary ng relasyon namin ni Red.

Mahal ko pa siya? Oo. Akala ko nga nong una, namimiss ko lang siya. Hindi naman siguro ganun kadali kalimutan 'yong samin, tatlong taon naging kami eh.

Naputol yung iniisip ko nong marinig ko ang cellphone kong magring. Si Yen, best friend ko. Sinagot ko agad.

"Helloooo? Ano ba naman yan oh! Ang ganda ganda na ng panaginip ko, naudlot tuloy." Pagbibiro ko.

"Asa ka namang maniniwala ako. Eh, alam ko namang gising ka pa at iniisip mo na naman yung ex mo. Wag ka nga, kilalang kilala na kita noh." Sagot niya.

"Bat ka ba kasi nang-iistorbo?" Seryosong pagtatanong ko.

"Eh kasi Jet," Biglang sumeryoso ang boses niya. "Nakita ko si Red mo," Ikamamatay ko siguro yung paputol-putol na pagkkwento ni Yen eh.

"Yen, ano ba? Bibigyan mo ko ng sakit sa puso, alam mo yon?" Nauubos pasensya ko, pasensya naman.

"Nakita ko siya kanina Jet. May ano,"
Nag-aalangan niyang sagot. "Eh. May kasamang iba, parang ano eh, parang sobrang sweet sila." Pagtatapos niya.

Wait. Ano raw? Bumilis ang tibok ng puso ko nong nagsink-in sakin ang sinabi ni Yen. Biglang nablanko ang isip ko, hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni Yen sa kabilang linya.

"Yen, matutulog na ko ha? Bukas na lang tayo mag-usap sa school. Bye"

Binaba ko na agad yung phone at binalot ang katawan ko ng kumot. Niyakap ko ang unan nang mahigpit at nag-umpisa ng tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala.

"Wow. Ba't ang sakit pa rin? Dapat diba hindi na masakit?"

Nagpatuloy sa pagpatak ang mga luhang isang taon ko ring pinigilan. Eto raw yung pinakamasakit na part eh, yung malamang may iba na siya, yung tanggapin na mapupunta na siya sa iba.

"Sana nararamdam mo rin yung nararamdaman ko. Sana ikaw na lang nasa kalagayan ko. Ayoko ng ganitong sakit, pinapatay ako. Sana ikaw na lang ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Malokong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon