Thirteen (An everylasting love story) - Part 1

103 2 2
                                    

Part 1

Hello po, ako nga po pala si Kevin Corpuz, nag-aaral po ako sa St. John's University. Ako po ay 15 years old na at third-year na po sa high school, at dito na po magsisimula ang pagbabago sa buhay ko.

*Tumunog ang alarm clock* (5:00 AM)

*Ako'y bumangon na sa kama*

Hay nako, panibagong araw nanaman, papasok nanaman sa school para mag-aral ng mag-aral at mag-aral ng mag-aral.. Paulit ulit nalang, wala na bang bago? Urg, first day of school, sana may mga bago akong mga kaibigang makikilala, yung hindi boring kausap! *meh* :/

So ayun, syempre ako'y nag toothbrush, naligo, nagbihis, kumain ng almusal tapos pumasok sa iskwelahan.

*Pagdating sa iskwelahan*

*Nakasalubong ko si Francis* ( Si Francis Ramos nga po pala, yung kalaro ko sa DOTA, mahilig po kaming pumunta sa computer shop after school hours para mag DOTA, bago umuwi ng bahay.

Francis: Oy tol ! Kamusta kana..? Laro ulit tayo ng DOTA mamaya?

Ako: Osige tol, kita nalang tayo mamaya sa may guard house! Nagmamadali kasi ako, titignan ko pa schedule ko..

Francis: Osige tol, mamaya nalang..

*Tumalikod na ako tsaka nagpatuloy sa aking paglalakad papunta sa 3rd year building*

Habang ako'y naglalakad, may nakabungguan akong isang magandang babae, as in ang ganda ganda talaga niya..  Nalaglag yung mga librong bitbit-bitbit nya, kaya tinulungan ko siyang kunin yung mga yon, tapos nagkaharap kame habang kinukuha yung mga libro. Halos mahimatay ako nang makita ko siya, lalo na ang mga mata nyang nagniningningan na para bang mga bitwin sa langit, pero parang masyado namang awkward yun, ngayon ko palang siya nakita pero parang nafa-fall na ako sakanya. As in parang gusto ko na talaga sya..

Ako: Miss okay ka lang? (Nagaalalang nagtanong habang ako'y naka-ngiti)

Siya: Oo, okay lang ako, sorry, di kita napansin, nagmamadali kasi ako..

Ako: Ahh okay lang yun, ako rin kase nagmamadali kaya hindi na rin kita napansing paparating.. Ako nga pala si Kevin Corpuz, ikaw? Ano nga pala pangalan mo? (Inabot ang mga nalaglag nyang libro habang tinatanong ko siya.)

Misteryosong babae: Ahh.. Uhhmm... (Kinuha yung mga libro, tapos biglang tumakbo paalis)

Ako: Ahh miss! Nakalimutan mo panyo mo!

*Tumalikod na rin at pumunta na sa 3rd year building para hanapin ang aking schedule.*

Hay sawakas nahanap na rin kita! (Sabay tingin sa Room Number tsaka pangalan ng mga kaklase)..

Ako: Wow, kaklase ko pala si Francis, pati si Yoshiki! (Masayang binabasa ang mga pangalan..) Uhg, sino naman kaya itong bagong transferee na Angel Santos na 'to.. hhmm, hayaan mo na nga.

*Dumating ulit yung babaeng naka bunguan ko kanina, pero siya'y tumatakbo patawid saken*

Ako: Miss, saglit lang, may nakalimutan ka oh! Yung panyo mo! Nahulog kaninang nagka --, (Naputol ang pagsasalita kase malayo layo na sya)

Misteryosong babae: (Patuloy paring tumakbo palayo saken hanggang sa siya'y mawala na sa aking paningin)

Ako: Hay nako.. Bahala na nga, pag nakita ko nalang ulit siya mamaya, baka sakaling maibalik ko na itong panyo nya, saka baka mahawakan ko pa kamay nya pag inabot ko 'tong panyo niya.. (Tumatawa sa aking isip) Ahihihihi..

*Lumipas ang walong oras (8 hours), uwian na*

Francis & Yoshiki: (Hinihintay ako sa upuan katabi ng guard house)

Francis: Tol, ang tagal mo naman, kanina pa kami tambay dito.. So, anong room ka?

Yoshiki: Oo nga tol?

Ako: (Yumuko ng dahan dahan, tapos biglang itinaas ang ulo habang pangiti ng pangiti) Tol, magkakaklase tayo! (Tumalon at sumigaw sa saya) Yes!!! Magkakaklase tayo!

Francis & Yoshiki: Yeah! Woooh! ~ (Masaya rin kaya naki-talon at sigaw sila)

Francis: Okay tol, tara na? Para mas maaga tayong umuwi ngayun..

Ako: Osige, tara..

Yoshiki: Tara.

To be Continued..

Thirteen (An everlasting love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon