-Chapter 26-
UNANG NAGISING SI KATHARINA sa kanilang dalawa ni Brian. Nakikinita niya ang liwanag na nangagaling sa araw na nagpupumilit na tumagos sa kurtinang nakakabit sa kristal na bintana ng kwarto kung saan sila naroon. Pumako ang kanyang paningin sa natutulog pang kasintahan. Tila ito nilalaro ng anghel sa panaginip dahil nakapagkit ang ngiti sa mga labi nito habang natutulog na nakaharap sa kanya. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti mula sa kanyang mga labi habang minamasdan ang gwapo nitong mukha. Habang hinahaplos niya ang mukha ng binata ay biglang kumibot ang mga labi na animo’y nararamdaman nito iyon. Tarantang binawi ng dalaga ang kanyang kamay. Akmang gagalaw na si Katharina ng biglang sumigid ang tila nakangingilong kirot na iyon sa kanyang buong pagkatao. Naramdaman niyang mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Brian sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang gumanti ng pagkakayakap dito. Nang biglang may naalala ang dalaga.
“Naku! Kailangan ko na palang bumalik sa pension house! Tiyak na hinahanap na ako nina Mama ngayon. Patay ako nito. Siguradong walang hanggang pagtatanong ang matatanggap ko mamaya!” saisip ng dalaga.
Dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Brian na nakapulupot sa kanyang baywang at kahit hirap mang gumalaw ay nagawa pa rin niyang bumangon ng hindi man lang nagising ang binata. Gustuhin man niyang magpaalam ng personal dito ay nahihiya naman siyang gisingin ito. Alam niyang sobra itong napagod sa concert kagabi. May nakita siyang notepad at ballpen sa sidetable kaya nagsulat siya ng note doon sa wikang Tagalog pagkatapos niyang magbihis. Inilagay niya iyon sa lugar kung saan madali iyong makikita ng binata. Bago siya umalis ay pinasadahan ulit niya ng tingin ang kasintahang nakahiga sa kama na nasa kasarapan pa ng tulog. Napako ang kanyang paningin sa pulang mantsang nasa bedsheet. Masuyo niya iyong hinaplos. Nawala na sa kanya ang bagay na siyang tanging pinakaiingatan niya ng dalawampu’t tatlong taon na mismong kay Patrick ay hindi niya naibigay noon. Ngunit ni katiting na pagsisisi ay wala siyang naramdaman dahil taos puso niyang ginusto na sa mga kamay ni Brian siya maging ganap na babae. Tanging ito lang ang gusto niyang pag-alayan ng lahat lahat sa kanya dahil ganoon niya kamahal ito. Kinintalan niya ng magaang halik ang pisngi ng binata saka lumabas na ng kwartong iyon. Iniwan niya lang na hindi naka-lock ang pinto. Tahimik pa sa labas dahil alas siyete pa ng umaga kaya walang masyadong tao ang nakapansin sa kanya doon.
“Good morning Ma’am!” Magiliw na bati sa kanya ng gwardiyang nakatalaga sa hotel.
Saglit niya lang itong nilingon saka ngitian at nilakad na ang daan patungo sa pension house. Hindi naka-lock ang pinto ng kwartong nakalaan sa kanila kaya kaagad niya iyong nauksan at laking-tuwa niya ng pagpasok niya sa loob ay tulog pa ang lahat ng kanyang kasama pati na ang kanilang Mama Marga. Mabilis na nagbihis ng damit ang dalaga at nahiga sa tabi ni Marrah upang matulog ulit.
----------------------------------------------
Napabalikwas ng bangon si Brian ng hindi niya mahagilap si Katharina sa kama pagkapa niya sa kanyang tabi. Sumalubong sa kanya ang kalamigan at nakabibinging katahimikan sa loob ng silid na iyon.
“Katharina! Baby? Where are you?” Tawag niya sa dalaga.
Nakaramdam siya ng ibayong kahungkagan ng walang sumagot sa kanya. Ilang hibla ng alun-along buhok sa unan at pulang mantsa ng dugo sa bedsheet ang tanging bakas na naiwan ng dalaga. Tuluyan na sana siyang malulungkot sa mga oras na iyon ng madako ang kanyang paningin sa kulay dilaw na notepad na may sulat kamay ng dalaga. May mensahe itong iniwan doon sa sariling wika ng dalaga ngunit alam na alam niya ang ibig sabihin. .
Bri,
Para kang anghel habang natutulog. Hindi na kita ginising pa para makapagpaalam ako sa’yo. Ayokong mabitin ka sa iyong panaginip kung sakaling meron man. Ha ha ha. Sa totoo lang, kailangan ko ng bumalik muna sa pension house kasi tiyak na hinahanap na ako nina Mama. Excited na akong magkita tayong muli mamaya. Salamat sa lahat, Bri. Mahal na mahal kita.

BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
أدب الهواة[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...