Chapter 2

424 4 0
                                    


TWO

"MANONG, pasindi naman ako," nakangiting saad ni Serenity sa lalaking nakaupo sa hood ng kotse. Inilapit niya ang sigarilyong nakaipit sa mga labi niya rito. Tila nairita ito sa ginawa niya.

"Wala akong panindi," walang emosyong tugon nito bagaman halatang naiinis.

"Pwede namang diyan na lang sa sigarilyo mo, ah."

"Hindi pwede."

"Bakit naman?" nakataas na ang isang kilay na pahayag niya. Ang arte ng mokong na 'to ha!

"Dahil napakabata mo pa para manigarilyo. Umuwi ka na nga sa inyo at baka mapalo ka pa ng tatay mo!" Pagtataboy pa nito sa kanya na ikinaasar niya. Humithit ito sa sigarilyo nito at pabilog na ibinuga ang usok niyon paitaas.

"Wala naman diyan ang tatay ko kaya hindi niya ako mapapalo!" pamimilosopo niya at inagaw ang sigarilyo sa bibig nito at sinindihan ang sariling sigarilyo niya. Humithit siya at ibinuga rito ang usok mula sa labi niya saka niya inabot pabalik dito ang sigarilyo nito. Mukhang mas lalo itong nainis sa ginawa niya. Napabungisngis lamang siya.

"Jeez, such a brat!" he hissed. Exasperated na itinapon nito ang hindi pa nauupos na sigarilyo nito sa lupa at dinutdot iyon hanggang sa mawalan ng baga.

"It's better to be a brat than to be a swollen man like you. Constipated ka ba?" hindi natitinag na saad niya kahit bahagyang dumilim ang ekspresyon ng mukha nito.

Nagtaas ito ng dalawang kamay. "Alright, you pissed me off. Are you a member of a gang? I don't know if it's just part of your modus operandi but I'm telling you, please, pity for yourself, and pity for your life. You are still young, maitatama mo pa ang mga pagkakamali mo. Madami ka pang magagawa para makabawi sa mga magulang mo. Kaya sige na, umuwi ka na sa inyo. And stop taking drugs!"

Akmang tatalikuran na yata siya nito nang bigla siyang matawa ng malakas sa mga sinabi nito. Bahagya man siyang nainsulto sa mga sinabi nito ay mas lamang ang amusement na nadama niya. How strange? "Do you know what, you're funny," wika niya ng muli itong humarap sa kanya. "Stop preaching here. Kung hindi lang kita nakitang naninigarilyo at may mga bote ng alak na kasama ay aakalain kong pastor ka. Grabe naman, nakikisindi lang ako ng sigarilyo, taking drugs na agad? Ang OA mong maka-react, ha. Mas mukha ka ngang goon kaysa sa akin, eh." Muli ay malakas siyang natawa, mas malakas pa kaysa sa una. Ah, hindi niya rin siguro ito masisisi. She's acting like crazy!

Doon na lamang ito sukat tumayo sa kabiglaanan niya. Natameme siya. He towered over her. He was too tall. Hanggang dibdib lamang siya nito gayong naka-three inches high-heeled sandal na siya.

Mukhang mainit na yata talaga ang ulo nito. Kunot na kunot na ang noo nito, salubong na salubong na ang mga kilay. Ngayon lang nag-sink-in sa utak niya na baka masamang loob ito o baka lasing na ito at mapagdisketahan pa siya. Nagsitaasan ang mga balahibo niya sa katawan.

"I think you are just goofing around and for that you deserve this punishment. Ito ang bagay sa mga suwail na bata!" Sa labis na pagkabigla ay hindi siya nakapagprotesta sa balak nitong gawin. Binuhat siya nito na parang isang sakong bigas at pinasan sa balikat nito. Ikinagulat na lamang niya nang pagpapaluin siya nito sa pang-upo niya. Nagpapadyak-padyak siya at pinagpapalo ang likod nito. Sinabunutan pa niya ito ngunit hindi iyon umubra dito. Wala na siyang nagawa upang tulungan ang sarili niya, wala siyang laban sa lakas nito.

Nang mapagod marahil ito sa pinaggagawa sa kanya ay basta na lamang siya nitong ibinagsak sa lupa. Napahiyaw siya sa sakit. Gusto niya sana itong bungangaan subalit sumakay na ito sa kotse nito at pinaharurot iyon sa harap niya. Napuno siya ng alikabok sa katawan sa ginawa nito, asar na asar siya. Para siyang batang maluha-luha na naiwang nag-iisa sa gitna ng kalsada.

His SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon