FIVE
SA WAKAS ay lumipas na rin ang isang linggong kinabagutang matapos ni Reni. Ang tanging binalikan niya sa isip ay ang mga alaala nila ni Jeth noong nasa yate sila at tatlong araw nag-stay roon kaya intack pa rin ang katinuan niya hanggang ngayon. Labis siyang nangungulila rito sapagkat nasa isang business summit ito ngayon at one week ito sa ibang bansa upang tapusin ang lakad nito. Ang gusto sana niya ay lagi itong kasama. Kung maaari lamang sana.
Hindi rin naman niya ito makausap dahil isang linggo siyang grounded sa Mama niya dahil sa nangyari. Bawal siyang gumamit ng telepono at internet. Alam naman niyang nararapat lang iyon dahil hindi siya nagpaalam dito. Galit na galit pa naman ito ng tatlong araw siyang hindi umuwi. Humingi naman siya ng tawad pero alam niyang kulang pa iyon sa naidulot niyang pag-aalala sa mga ito.
Ngayon ay nakokonsensya na naman siya sa binabalak gawin. Tatakas siya ngayon upang masundo ito sa airport. Usapan na nila iyon bago sila maghiwalay sa yate. Hindi lamang nito alam na kailangan niyang tumakas.
Wala siyang balak na hayaan ang mga itong sikilin ang kaligayahan niya. Matagal ng ginagawa ng mga ito iyon at hindi na niya hahayaan pang magpatuloy. As far as she was concerned, it is her own damn friggin life.
Mahal na mahal talaga niya si Jeth. Sigurado ang puso niya roon. Nagmadali na siya sa paglabas. Mabuti at walang naging aberya. Maaga kaysa sa inaasahan siyang nakarating sa NAIA. Walang kabagutang hinintay niya ang paglapag ng eroplano nito. Mayamaya ay tumawag na rin ito sa phone niya. Nakababa na raw ito. Hinanda na niya ang placard na ginawa niya. I LUV U, JETH, ang nakasulat doon. Nang matanawan niya ito ay kumaway-kaway siya at itinaas ang hawak niya.
Ngiting-ngiting lumapit ito sa kanya. "Feeling ko tuloy artista ako. Salamat sa pag-aabala. I love you, too, lovely and I miss you so much." Hinalikan siya nito. Hindi agad naawat ang halik na iyon sa malabis nilang pangungulila sa bawat isa. Pero bago pa iyon tuluyang lumalim ay huminto na sila.
"Mas pogi ka pa sa mga artista sa Hollywood. Walang panama sa'yo si Asthon Kutcher." Kinalimutan na niya ang actor na crush niya simula ng makilala niya si Jeth. He was her man now. Her only one.
"Dumaan muna tayo sa suite ko. Doon nila diniretso ang mga pasalubong ko sa'yo." Hinintay lang nila ang driver nito at tumuloy na sila sa tinutuluyan nitong hotel. Hindi naman iyon kalayuan sa airport. Very amenable para sa kanila. Bukas na lamang siguro sila didiretso sa bahay nito at sa susunod na araw ay babalik silang Batanes para mag-cruise gamit ang yateng regalo nito sa kanya. She had planned every single thing already. And she was very agitated for their upcoming dates.
Nang makapasok sila sa hotel ay tuloy-tuloy agad sila sa silid. Ibinagsak na lamang nito sa sahig ang mga maleta at bag na dala nito nang akuin iyon sa hotel boy. Dumiretso naman siya sa kama kung saan nakapatong ang mga pasalubong nito. "Sa akin ba ang lahat ng ito?"
"Sa'yo 'yan lahat, mahal. Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman. Basat galing sa'yo." Dinampian niya ito ng halik sa pisngi. "Salamat, Jeth. I love you!"
"I love you, too! Maliligo pala muna ako. Ang init dito sa Pilipinas."
"Sige, bubulatlatin ko muna itong mga pasalubong mo."
Nang abala na siya sa pagbubukas ng mga supot ay may nag-door bell. Pinagbuksan niya ang tao sa labas. Food service. "Here's your order, Ma'am," anang serbidor at umalis na rin agad pagkahatid ng mga pagkain.
Ginalaw niya ang alak na kasama ng mga pagkain at binuksan iyon. Palibhasa, hindi naman siya marunong ay sumaboy iyon sa kanya nang mabuksan. Natawa na lamang siya sa sarili. Hinubad niya ang damit at nagtapi muna ng tuwalya habang naghahalungkat kung may maisusuot siya sa mga dala ni Jeth.
BINABASA MO ANG
My Serenity
RomanceImage on cover photo is not mine. Credit to the rightful owner/s. A third chance in love.