SIX
"BY THE POWER vested in me, I pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride." When Jet heard the last lines of the wedding rituals he excitedly unveils Reni's face. She was very beautiful, the most beautiful woman in the world for him. And she was his alone. Masuyong dinampian niya ng halik ang mga labi nito. Ang halik na iyon ang magbibigkis sa kanilang mga pangako para sa isa't-isa. He will die keeping their vows until time forgets itself.
Masigabong palakpakan ng mga dumalo ang sumalubong sa kanila matapos ang maalab na halik nilang dalawa. Niyakap niya si Reni at bumulong, "Let's go directly to our honeymoon, lovely. Huwag na tayong dumaan sa reception." Napahagikgik ito. Bahagya pa siya nitong kinurot sa tagiliran.
"Hindi pwede," she answered back whispering.
"Kung makakalusot lang." Nagkatawanan sila. Nilapitan na rin sila ng mga bisita pagkaraan upang batiin sila. Nagmartsa na sila palabas ng simbahan at sumakay sa bridal car. "I love you, Serenity."
"I love you, too, Jethrosco." Muli ay hinalikan niya ito at hinalikan muli nang makapasok sila sa kotse. Inihatid na sila ng driver sa reception area.
Nang makarating sila roon ay naging abala sila sa pag-eestima ng mga bisita. Ang dami-daming bumabati sa kanila. Nakakapagod man iyon ay hindi nawawalay ang mga ngiti nila sa labi.
Pero gustong-gusto na niyang masolo ang asawa. Asawa. Ang sarap bigkasin niyon. Hihilahin sana niya si Reni sa isang tagong lugar nang lumapit sa kanila ang mama nito.
"Congratulations, Reni at Jeth. May your love prosper," bati nito sa kanila at hinalikan silang pareho sa kanilang mga pisngi.
"Thank you, Ma!" magkapanabay nilang tugon. May ilan pa itong ibinilin sa kanila bago napagpasiyahang iwan sila. "I wish you both all the happiness in life," huling wika nito at nakisalo na sa ibang pang mga bisita.
"Tara na at magpulot-gata," hindi na nakatiis na sabi niya rito. Isa pa iyon sa iniisip niya. Hindi sila maaring magtagal nito sa bakasyon sapagkat may dapat siyang gawin na hindi maaring ipagsawalang-bahala para sa kompanya. Para na rin iyon sa pamilya nila ngayon.
"Hmp, magpulot ka ng gata sa sahig!"
"Oh, please! Hindi ko sadyang mangyari iyon. Nataon lang na matagal ng naka-schedule ang meeting na iyon sa ibang bansa."
"I know. Kaya dapat alam mo rin kung paano ang magtiis. Bahala ka diyan," anitong may himig ng pagtatampo.
"Darling, sweetheart, honey, please naman," panunuyo niya
"Ang kulit mo naman. Kiss na lang para makontento ka na." Mabilis nga siya nitong dinampian ng halik sa noo..
"Pagbalik ko babawi ako. Gagawa na tayo ng maraming baby."
"Tatlo lang ang gusto ko para hindi tayo mahirapan sa pagpapalaki."
"Tatlong dosena. Hindi na mahirap iyon." dugtong niya. Tinampal siya nito sa balikat. Nagkatawanan sila. Napakasarap pakinggan niyon sa pandinig. Tila musikang walang katapusan. Nalusaw na lahat ng pagtatampo sa pagitan nila.
Tumigil na rin sila sa kakatawa at ngisi dahil baka mapagkamalan silang crazy couple. Nagbalik na lamang sila sa bulwagan upang estimahin ang iba pang mga bisita. Proud na proud siyang si Reni ang asawa niya. He was very grateful to be her as his better-half.
Nang sa wakas ay mabawas-bawasan na rin ang mga bisita ay naghanda na sila sa pag-alis. Tanging mga malalapit na kaibigan lamang at pamilya ni Reni ang naghatid sa kanila nito sa yate na gagamitin nila sa pag-cruise sa iba't-ibang tourist spot sa Pilipinas. Tatlong araw lamang sila nitong mag-iikot at lilipad na siya patungong ibang bansa upang i-meet ang mga foreign investors ng kanilang kompanya.
BINABASA MO ANG
My Serenity
RomanceImage on cover photo is not mine. Credit to the rightful owner/s. A third chance in love.