EIGHT
HINDI maiwasan ni Reni na maasar sa ginagawa at sinasabi ni Jeth. Pero sa kabila niyon ay hindi niya maaring ikatwa ang tunay niyang nadarama. Masaya siyang kasama niya ito ngayon. This is the scene she only dreamed before. Nag-sorry na siya rito subalit hindi nito tinanggap ang paghingi niya ng tawad. Sinabi naman niya ditong ibabalik din niya ang lahat ng kinuha niya dito sa takdang panahon. Subalit hindi pa iyon sa ngayon. May mga bagay pa siyang dapat punuan at iyon ang inaasikaso niya sa ngayon.
Ngunit mukhang ayaw ni Jeth na pag-usapan pa ang tungkol sa kanilang nakaraan at kung anumang bagay na may kaugnayan doon. Sa katunayan, kapag doon na ang tinutumbok ng kanilang usapan ay nagagalit ito, sinasaway siya at iniiba ang usapan. Mas okay na rin iyon dahil nakakabawas ng pressure sa pagitan nila.
Pero hindi pa rin okay sa kanya na pinupuntahan siya nito ng pinupuntahan sa bahay niya at basta na lamang pumapasok doon ng walang abiso man lang at permiso niya. Madalas kapag naroon ito ay inaakusahan siya nito na may relasyon silang dalawa ni Gustavo. Mukhang buong-buo ang paniniwala nito ukol sa bagay na iyon. Hinahayaan na lamang niya. Bahala ito sa gusto nitong isipin. Ang isa pa sa ikinakaasar niya hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nitong panloloko sa kanya. She caught him red handed. Kumusta na kaya ito at ang babaeng ipinalit nito sa kanya? Sila pa rin kayang dalawa? Hmp, wala akong paki sa kanila!
Sinulyapan niya ito. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Kanina pa niya ito napapansing sinusundan ng tingin ang bawat kilos niya pero wala naman itong sinasabi na kahit ano. Tahimik lamang ito ngayon. Nakasandal lamang sa hamba ng pinto sa may kusina. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang maliit na organism na sinusuri nito sa microscope.
Nilapitan siya nito sa kusina. Bahagyang sinulyapan ang niluluto niya.
Bigla ay nagsalita ito. "Na-miss mo ba ako noong magkahiwalay tayo?"
Nahinto siya sa paghahalo ng niluluto niya nang marinig ang tanong nito. He's staring at her intently and seriously. Na-miss? Miss na miss! Iyon sana ang gustong isagot ni Reni ngunit nagsawalang kibo na lamang siya. Iwinaksi niya ang mga mata sa titig nitong nakatutunaw. Hindi naman nito iginiit na sumagot siya. Mukhang nabigla rin ito sa sariling tanong.
"Kumusta si Rose? Ang Mama mo?" anito mayamaya.
Nilingon niya itong muli. "Rose's fine. Si Mama... matagal ng wala."
Gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito. "Anong nangyari sa kanya?" alalang-alalang saad nito.
"Cancer. Hindi na niya kinaya ang gamutan..."
"I'm sorry to hear that. I didn't---."
"It's alright. Luto na ito. Kumain na tayo." Mabilis na pag-iiba niya sa usapan. Agad siyang naghain ng pagkain sa hapag. Dumulog naman doon si Jeth.
Tahimik lamang silang kumain. Tunog lamang ng kubyertos ang tanging maririnig. Panakanaka ay napasusulyap sila sa isa't-isa at nagkakatitigan panandali at muling ring magbabawi ng tingin at yuyuko.
"When did you turned so quiet, Reni? I've known you for being a talkative lady," basag nito sa katahimikan.
Nagkibit-balikat siya. "Everyone change."
"It seems. But I'm wondering what makes you change."
"I don't wanna talk to," she shooed away all the memories of miserable days and sleepless nights. She felt so doomed.
"But I want to talk about it." He sounds determine.
"Why are we talking about me? Why don't we talk about you and your mistress? The name is Bettina, right? I could hardly remember but I guess, it is Bettina," bawi niya rito.
BINABASA MO ANG
My Serenity
RomanceImage on cover photo is not mine. Credit to the rightful owner/s. A third chance in love.