NINE
SI Jeth na mismo ang nagbukas ng pinto para sa taong kanina pa kumakatok sa labas dahil nasa banyo pa si Reni at naliligo. Nabigla siya nang makita ang bulto ni Gustavo ngunit mukhang mas nabigla itong makita siya.
"What are you doing here?" maaskad na tanong nito na animo pag-aari ang mismong kinatatayuan niya. Nairita siya sa tono ng pananalita nito.
"Wala namang nagsabing bawal akong pumunta dito. I'm free to go here everytime I want," sarkastikong tugon niya. Hindi niya ito niyakag na pumasok. Bahala ito. Off naman niya ngayon kaya hindi niya ito kailangang ituring bilang amo.
"That's not my point. I'm wondering of what you are doing here. Where's Serena, by the way? Are you friend with her now?" Mas lalo pa siyang nairita sa sinabi nito. Sa palagay niya ay pinapalabas nito ayon sa tono at titig nito na napakabobo niya at napakaimposibleng mapunta siya roon at napakababang tao niya para makipagkita at makipagkaibigan kay Reni.
Nagpakatimpi-timpi pa rin siya kahit sasabog na siya sa pagkaasar. May pangangailangan pa rin siya kay Gustavo. "Fortunately, we're friend now. I'm just paying a visit," malumanay na sagot niya. Ayaw niyang magkasira sila nito nang ganoon kaaga. Pero hindi na siya sigurado kung tutuparin niya ang usapan nila. He's having his second thoughts.
"Jeth, sino 'yan?" Napalingon siya kay Reni. Nakabihis na ito at nakapag-ayos ng sarili. She's simply magnificent. Lumapit ito at sumilip sa pinto. Hindi na niya ito napigilan. "Gustavo? Oh, come inside please! Hindi ko alam na darating ka. Bakit hindi ka man lang nagpasabi?" mas nadagdagan ang iritasyon niya sa tila napakasiglang tinig ni Reni.
Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan. Diretsong tumuloy naman ang damuhong si Gustavo. Wala siyang nagawa kundi ang manahimik at tumabi sa isang gilid.
Inabot ng lalaki ang tangan nitong bulaklak kay Reni. "For you. Pagpasensyahan mo na at biglaan ang punta ko. I was worried na hindi ka natuloy sa usapan natin. So I'm here to make sure that you're fine and nothing bad happened."
"I'm sorry. Nagkaproblema lang kasi ako pero okay na ang lahat. Could we still settle for another meeting?"
"Yes, of course. Pwede tayong mag-dinner date by next night. What do you say?"
"Fine. Dinner at nine by Sunday. Same place. By the way, thank you for the flowers. They're beautiful."
"Mabuti at nagustuhan mo."
Tuluyan nang sumabog si Jeth sa iritasyon sa pag-uusap ng dalawa. Parang hindi siya nag-e-exist ng mga sandaling iyon. Nakisabad na siya ng walang pasintabi. "Hindi ba't magpapatulong pa sa'yo si Margarita na magluto, Reni?" paalala niya, tinutukoy ang kapit-bahay nitong gustong ipagluto ang asawa.
"Oh! Muntik ko nang makalimutan!" bulalas nito. "I'm sorry, Gustavo. Hindi kita maaacommodate sa ngayon but don't worry. I'll be in our meeting tomorrow night."
"Aasahan kita,"sagot ni Gustavo. Minadali na niyang palabasin ito. Hinatid pa niya ang lalaki hanggang sa kotse nito. "I want to talk to you tomorrow morning, Rosco. Be early. You know where to find me," utos nito. Gustong-gusto niya itong sapakin ng mga sandaling iyo ngunit naalala niya ang mga utang niya dito. Tumango na lamang siya at hindi nagsalita.
"Is he always here?" usisa niya kay Reni nang makabalik siya sa loob.
"Sino? Si Gustavo?"
"Sino pa ba?"
"Bakit galit ka?"
"Hindi ako galit. Nagtatanong lang ako."
"You sound interrogating me. Hindi ba't amo mo siya ngayon? You are working for his wife, too?"

BINABASA MO ANG
His Serenity
RomanceImage on the book cover is generated by ChatGPT. All rights reserved. A third chance in love.