Mission 62

444K 13.6K 1K
                                    

Mission 62


Is this for real? Hindi ba pwedeng masamang panaginip na lang ang lahat ng ito? Hindi ba pwedeng simpleng debutant na lang ako na may masayang celebration?


Simpleng debutant na walang komplikadong pangyayaring ganito? Ano bang ginawa kong kasalanan para maranasan ang lahat ng ito? Bakit lagi na lang ako? Why in my young age I'm experiencing like this? Hindi ba pwedeng ibang tao na lang? Hindi ba pwedeng wag naman ako?Tama na, ayoko na. Ilang taon na akong nahirapan sa isang bangungot na kumuha sa buhay ng aking ina, bakit kailangan ko na namang maharap sa ganitong sitwasyon? Why me? Why me? I don't get it. Bakit lagi na lang ako?

Nanlalabo na ang paningin ko, all I can feel right now is the tears flowing from my eyes.


"Wala ka bang gustong sabihin Lorenzo?" tanong niya kay Dad. Hindi ko alam kung anong mapapala ni Samuel sa ginagawa niya ngayon. Sasaya ba siya sa pagkitil ng buhay?

He's sick.


"Nagmamakaawa ako sayo Samuel, wag ang mga anak ko. Ako na lang" pakining ko ang bahagyang pagpiyok ng boses ni Dad. I know he's crying, this is the first time I heard his voice like that.



"Anak.." hearing my Grandad's voice, I know he's about to cry too. Bakit ganito ang pamilya namin? Bakit may tiyuhin akong ganito? Bakit wala man lang silang sinabi sa aking ganito. Bakit pinabayaan ni Dad at Lolo na magtanim ng ganitong galit ang kapatid at anak niya?


Am I not allowed to know what is really happening to our family? Ganun na ba talaga ako kawalang kwentang anak? Even in serious family matter, wala akong alam?


Akala ko nag iisa lang anak si Dad. Who is this Samuel?


Bakit kung sino pang pamilya, sila pa ang nagpapatayan? Akala ko sa mga palabas lang sa telenovela nangyayari ang ganito? Nangyayari din pala sa totoong buhay, sa katunayan heto ako at nakaharap sa nguso ng baril. This is my second death and life situation, how lucky am I?


Pakinig ko rin ang paghikbi ni Sapphire sa tabi ko. For what she did, I'm a hypocrite if I'll tell that I already forgave her. Hindi dahil nalaman kong kapatid ko siya ay mapapatawad ko siya agad agad. She's part of this damn whole thing. Kung alam niyang ang kinikilala niyang ama ay gagawa ng katangahang ito, siya bilang anak ay dapat gumawa ng paraan para pigilan ang lahat ng pangyayaring ito. Anong ginawa niya?


She made our own family graveyard. How ironic.




"Natutuwa ako sa mga sinasabi nyo" malademonyong ngumisi sa amin si Samuel. I can now say that I met Satan. He's a moving flesh in front of me.

Mas lalong lumapit sa akin ang nguso ng baril. Napapikit na lang ako. Alam ko anumang oras maaari kong lisanin ang mundong ibabaw. And I really can't accept it. I'm not yet ready to leave.

Bahagya kong sinulyapan si Nero. He's still bleeding unconscious, I know he can survive. I know he will. Gusto ko sana ako ang una niyang makikita pag nagkamalay siya pero mukhang malabong mangyari 'yon. Bilang na ang oras ko.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon