XLI. Girlfriend

1.2K 45 0
                                    




(Hazel and Jam Lovestory. Continuation)




Hazel Chen



Di ko alam kong bakit ko ginawa ito at di ko rin alam kong bakit niya ginagawa 'yun.



Naglakad ako palayo sa kanya. Di dahil sa nahiya ako, o nagalit ako dahil may kong ano at di ko mapaliwanag na naramdaman sa sarili ko at saka nakakainis dahil kinilig ako sa ginawa ng panget na 'yun.


Ah! Kaasar naman eh! Bakit ba ako kinikilig sa ginawa ng panget na 'yun? Diba dapat Hazel, mabwebwesit, magagalit, mahihiya ka sa ginawa niya? Aish! Panget talaga oh!




Nang makalabas na ako ng mall ay dumiretso akong umuwi sa bahay. Habang naglalakad ako patungo sa bahay ay nagtaka ako ng makita ko si Zi na nasa labas habang may kausap sa phone.


Sino naman kaya 'yun? Sa pagkakaalam ko ako o si mama lang ang lagi niyang kausap sa phone. Ano kayang nangyari?


Nakikita ko siya kung paano ngumiti at tumawa sa kausap niya. Napahinto ako at pinanliitan siya ng mata saka inisip ang nangyari mga nagdaang araw.



Diba ang sungit niya nun? Muntikan pa nga kaming mag-away dahil sa nararamdaman niya kay Prince—teka... Di kaya..



Dahan-dahan akong tumungo sa kanya habang di niya namamalayan na nakikinig na pala ako.



"Pffft... Tanga ka naman palagi nerd. Ano pa bang bago dun?" pigil tawa niyang sambit sa kausap.



Nerd? Wait, I smell something.



"Nakuuuuu! Sinasabi ko na nga ba eh!" sigaw ko na siya namang ikinagulat niya. Nanliliit niyang mata akong tiningnan.



"Nakikinig ka ba?" tanong niya sa 'kin. Ngumiti lang ako at nag peace sign sa kanya.


"Ahh ehh sorry nacu-curious kasi ako kung bakit ka tumatawa at ngumingiti. Anong meron? Or should I say 'Anong nangyari?' Details please." sabi ko sa kanya habang niyuyugyug. Excited na ako!

Ngumiti naman siya ng tipid sakin bago nagsalita.

"Binigyan ko siya ng pagkakataon. At pati narin ang sarili ko. At...... Kami na." nahihiyang sabi ni Zi habang nakayuko pero nakita kong namula siya.

Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon