Best Friend (One Shot)

18 1 0
                                    

List of Characters:
-Kate Lorraine Montejar
-Steven Velasquez
-Trina Faye Natividad

Kate's POV:

Program ngayon ng Intramurals
At kalaban ko ngayon sa badminton si Trina.
Siya lang naman ang patay na patay sa Bestfriend kong si Steve.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko siyang talunin. Parang pakiramdam ko naiinis ako sakanya. Ah basta! Isa lang ang nasa utak ko ngayon ayoko siya para kay Steve.

Pumito na ang referee ng badminton at nag Simula na kaming mag laro.

Makalipas ang ilang minuto. Dikit ang laban. Nanggigil ako kasi ang galing niya at pag tumitingin ako yung mga tingin At ngiti niya ay parang may halong pang aasar.

"Go kate!!! Whoo bestfriend ko yan"Narinig ko ang boses ni Steve. Lumakas ang tibok ng puso ko at ang pakiramdam ko ay parang nanalo sa loto nung Chineer niya ako.Mas lalo akong sumigla sa pag lalaro nakita ko yung mukha ni Trina na sumimangot. I smiled at her sarcastically.

"Good luck Trina!"I whispered.

" Thanks to you Kate! Be the best GIRL win!" She replied.

Hindi ko alam kung bakit parang parehas kami ng iniisip ni Trina? Sabay kaming tumingin sa kinauupuan ni Steve pero wala na siya?!! Biglang bumigat ang pakiramdam ko at yung katawan ko parang nanghina. Where is he?

Matapos ulit ang ilang minuto ay tumigil na ang laro at nanalo ako.

Ngayon ay laban na ng Basketball boys division. At kasama si Steve sa makikipag laban.

"Go! Steven I love you!!!!" Sigaw ni Trina!kadiri naman tong babae nato ang landutay! 

May hawakhawak din yung mga barkada ni Trina na banner.

Nakita kong tumingin sa gawi ko si Steve kaya nag okay sign ako. Ngumiti siya sakin at kumindat.

Sa tuwing sumisigaw si Trina Hindi nakakashoot si Steve kaya sinubukan ko ding sumigaw

"Go Best!!!!Kaya mo yan!!" At pag kasigaw ko ay nakashoot si Steve ng 3 points.

Kaya tumayo ako mula sa pag kakaupo at sumigaw kasabay ng pag talon.

"Go Steve! Whoooo! Steve galingan mo! Best friend ko yan!!" At sa pangalawang pag kakataon ay nakashoot ulit si Steve ng 3 points.

Sumisigaw padin ako at tumatalon hanggang sa last 1 nalang ng  team nila Steve

" Go Steve! I love youuuuu!!!" Hindi ko na alam kung ano yung lumalabas sa bibig ko tumingin muna sakin si Steve na parang nagulat at chaka inagaw ang bola sa kalaban at ishinoot sa 3 points!

Hindi ko na din alam kung ano ang ginagawa ko kaya pumunta ako sa kanya at gulat na gulat ako sa pag salubong sakin ni Steve ng sobrang higpit ng yakap niya binuhat niya pa ako at kitang kita ko sa mukha niya ang sobrang saya.

Yakap yakap niya padin ako hanggang sa narinig ko ang pagbulong niya sa kanang tenga ko.

" Salamat best! Ikaw ang lucky charm ko!!" Napangiti ako sa sinabi niya at dun ko lang siya niyakap.

Best Friend (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon