Sorry Wrong Send, Na Naman?! (one shot)

323 6 2
                                    

"I love you"," I miss you",etc. etc. Ilang beses ko na bang nareceive ang mga salitang ito mula sa taong gustung-gusto ko, pero instead na matuwa ay matinding inis ang narararamdaman ko sa tuwing makukuha ko ang mga salitang ito.

Sino ba naman kasing matutuwa kung alam mong sa bawat sweet messages nya, karugtong naman nito ang salitang "Sorry! Wrong send lang".

Saklap diba? NAisip ko nga minsan, darating pa kaya yung araw sasabihin nya sakin mahal nya ako?, yung tipong mag-i-i love you sya dahil he meant it at hindi dahil wrong send lang sya? Sana...Sana nga.

Naaalala ko pa nung unang beses akong nakareceive ng message mula sa kanya.

* 1 message received*

I heard my phone beeped so i grabbed it from my bed side to checked out who texted me.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko palang ang pangalan nya sa inbox ko.

I opened the message and read.

From Mike:

" I love you"

Pakiramdam ko biglang tumigil ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang text nya. "G-gosh! I-is it true?' hindi ko makapaniwalang sabi. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil baka namalikmata lang ako, o baka naman nananaginip lang ako. Nung sure na akong tama nga ang nabasa ko at hindi ako nananaginip ay hindi ko na napigilang mapatili. Naglululundag ako sa sobrang kilig. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama ko habang tinititigan ang message nya.

"I love you" nakangiti kong pagbasang muli  sa message nya. "Totoo ba to? Is it really happening? he said he loves me? Mahal nya ako?" Hindi pa rin ako makapaniwalang ang ultimate crush ko, ang taong akala kong hanggang tingin ko nalang, mag-i-i love you sakin.

Matagal ko ng crush si Mike, matalino kasi sya at napakabait nya pa, sya nga ang candidate for valedictorian eh, kaya naman sobrang dami ng nagkakagustong girls sa kanya, mas magaganda, mas matatalino, hindi tulad ko, isang ordinary-invisible girl. Hindi naman sa dina-down ko ang sarili ko, matalino naman ako, pero kung kagandahan na ang pag-uusapan, you can discribe me as... 'Never mind'! Kaya tuloy ni minsan ay hindi ko sinubukang magtapat o lumapit man lang sa kanya, at nakuntento nalang ako sa patingin-tingin nalang. Maswerte lang ako dahil naging magkagrupo kami sa activity nakaraan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makausap sya, nagulat pa nga ako nung kinuha nya  ang number ko, syempre kinilig ako, pero sabi nya naman gusto nya lang daw makuha ang number ko para mapag-usapan namin ang mga plano for the activity. Hehe asa naman ako diba? Pahiya tuloy.

Hindi ko mapigilang mas lumawak ang mga ngiti ko, kung pupwede nga lang sigurong mapunit itong labi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko ay siguro kanina pa ito napunit. This is so good to be true!

I clicked the reply button and composed a message pero hindi pa man ako natatapos sa pagta-type nang makareceive na naman ako ng panibagong message mula sa kanya.

I opened the new message pero nang mabasa ko na ang message nya, naisip ko, sana hindi ko nalang pala binasa.

"Sorry, wrong send lang, kasunod kasi ng number mo ang number nya" iyan ang laman ng second message nya. Yung lahat ng saya at kilig na narararamdaman ko kanina, pakiramdam ko sa isang iglap biglang nawala. 

Alam mo yung tipong, Ayon na eh! kinikilig ka na sana dahil yung mga salitang inaasam-asam mong makuha sa taong gustong-gusto ay sa wakas ay nareceive mo na rin, yung tipong nandun ka na sa climax ng kilig scene mo tapos...BOOM! Wrong send lang pala sya!?! Ang saklap!

Sorry Wrong Send, Na Naman?! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon